Parang ‘di artista! Sylvia Sanchez, proud sa kakaibang bonding nila ng pamilya

Parang ‘di artista! Sylvia Sanchez, proud sa kakaibang bonding nila ng pamilya

- Ipinakita ni Sylvia Sanchez ang kanilang simpleng bonding ng pamilya sa probinsya

- Sa video, nakita ang aktres na nagluluto ng lechon

- Ayon sa kanya, maganda sa pakiramdam kapag ganon ang bonding nilang mag-anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinasilip ng aktres na si Sylvia Sanchez sa publiko ang kanilang simple ngunit kakaibang bonding ng pamilya.

Nalaman ng KAMI na mahilig magluto ng lechon ang kaniyang mag-anak lalo na kapag nagbabakasyon sila sa probinsya.

Sa video na inupload sa Instagram, ipinakita ni Sylvia ang kakayahan niya sa pagluluto ng lechon.

Pinuna din ng aktres kung bakit hindi “crispy” ang isang parte ng baboy gayong malutong naman ang ibang bahagi nito.

Sa kaniyang post, ibinahagi ng La Luna Sangre star ang kaligayahang nararamdaman sa tuwing magluluto sila ng lechon bilang bonding na rin ng kaniyang pamilya.

“Pag andito kasi mga anak ko at asawa ko sa probinsiya ko, ito ang bonding naming mag anak - ang magluto ng sarili naming lechon,” paliwanag ng batikang aktres.

“Simple pero sobra sobrang kaligayahan ang nararamdaman namin lahat,” dagdag pa niya.

Sinabi din si Sylvia na isa ang pagluluto ng lechon sa mga nais niyang maipamana sa mga anak.

“Alam ko, habangbuhay eh isa ito sa mgagandang alaala na bitbit ng mga anak ko sa puso nila,” giit pa niya.

Narito ang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, inamin ng aktres na naging epektibo ang paggamit niya ng tradisyonal na pamamaraan ng pagpaparusa sa mga anak gaya ng pagluhod sa monggo.

Si Sylvia ay kilala bilang ina ng mga celebrities na sina Arjo at Ria Atayde. Hindi matatawaran ang mga naging proyekto nito katulad ng Be Careful With My Heart, Mundo Man ay Magunaw, at Ningning.

Noong 2017 ay itinanghal si Sylvia bilang Best TV Actress in a Drama Program ng KBP Golden Dove Awards para sa pagganap sa The Greatest Love.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel