Ilang Pilipinong OFW, nanganganib mawalan ng trabaho dahil sa insidente sa NAIA

Ilang Pilipinong OFW, nanganganib mawalan ng trabaho dahil sa insidente sa NAIA

-Mabigat ang kinakaharao ng ating mga OFW na stranded pa rin sa NAIA, ang ilan sa kanila malapit ng ma-expire ang visa at nanganganib na mawalan ng trabaho

-Karamihan sa kanila, wala ng sapat na tulog at kain. Ang sabi ng iba, may kakulangan ang gobyerno

-Ito'y matapos ang pagsadsad ng isang eroplano mula sa China, nagkansela ng 60 flights ang NAIA dahil nakaharang ang eroplano sa international runway nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Nauna ng naibalita ng KAMI, ang pagsadsad ng Xiamen Air flight MF 8667 sa international runway ng NAIA. Dahil dito, ilang flights ang nakansela.

Maraming pasahero ng NAIA ang apektado sa nasabing insidente, kabilang na ang mga Pilipinong OFW.

Sa kasalukuyan, marami pa rin ang walang kasiguruhan kung kailan sila makakaalis.

Marami sa kanila, minsan na lamang kumain sa isang araw at doon na mismo natutulog sa airport. Ang ilan sa kanila, wala ng budget o kaya nama'y mula pa sa malayong lugar, tulad ng Mindanao.

Ayon naman kay Labor Secretary: "Any information, any assistance that they need , pwede tugunan po ngaming tao dyan sa Labor Assistance Center. 24/7 po yan."

Ngunit ang mas mabigat ng problema pa ng ilang OFW, ay ang kanilang pa-expire na visa. Kung hindi ito mare-renew, maaaring mawalan sila ng hanap-buhay.

Tiniyak naman ng Labor Assistance sa NAIA na mas priority nila ang tugunan ang mga OFW na malapit ng ma-expire ang visa.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel