Guiao, pinalitan si Chot bilang coach ng Gilas sa pagpapatuloy FIBA World Cup qualifiers

Guiao, pinalitan si Chot bilang coach ng Gilas sa pagpapatuloy FIBA World Cup qualifiers

-Si Yeng Guiao ang papalit kay Chot Reyes bilang coach ng Gilas Pilipinas against Iran sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers

-Inihayag ito ng Presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Al Panlilio

-Gayunpaman, wala pa ring balita sa list ng players na ipapalit sa sampung players ng Gilas na suspendido dahil sa Philippines-Australia brawl

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Si Yeng Guiao na nga ang papalit kay Chot Reyes bilang coach ng Gilas sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian Qualifiers 2019 sa darating na Setyembre.

Ito'y pahayag na nanggaling sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), matapos masuspinde si Chot Reyes dahil sa kontrobersyal na Philippines-brawl noong nakaraang July 2, 2018.

"Well, we know coach Chot [is] suspended so the SBP made a decision to appoint coach Yeng, especially that he has done well here at the Asian Games," ayon naman sa panayam ng Rappler sa Presidente ng SBP na si Al Panlilio.

Sinuspinde si Reyes matapos maaktuhan na sinasabi sa kaniyang mga players ang: "Hit somebody." Ngunit ito'y nilinaw na ni Reyes sa isang interview.

Dapat siyang mentor ng TNT KaTropa-reinforced national squad sa Asian Games bago ang SBP ay nagpasya na ipadala ang core ng Rain or Shine Elasto Painters sa halip, na naghahatid ng paraan para makabalik ang national team ni Guiao.

Nauna ng naibalita ng KAMI, ang pagkakapanalo ng team Pilipinas laban sa Kazakhstan nitong August 16, nakaraang Huwebes.

Para naman sa 10 suspendidong national team stalwarts: "The lineup has still to be decided on," dagdag ni Panlilio.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel