DepEd, pagbabayarin ang private school admin na nagpasunog ng mga gamit ng mga mag-aaral

DepEd, pagbabayarin ang private school admin na nagpasunog ng mga gamit ng mga mag-aaral

- Gustog pagbayarin ng DepEd ang administrator ng Bicol Central Academy na nagpasunog ng mga gamit ng mga estudyante ng campus

- Anila, nararapat daw na sagutin niya ang naging damages dahil sa pagmamalabis nito sa mga mag-aaral ng nasabing eskwelahan

- Ngayon na nakatakdang ganapin ang diyalogo sa pagitan ng DepEd, ang administrator, at mga magulang ng mga nasunugan ng gamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpahayag ng pagkabahala ang DepEd Bicol matapos ang viral na insidente na nakunan ng video at ini-upload sa social media. Ayon sa kanila, nasa kanilang rekomendasyon na pagbayarin ang administrator na nagpasunog ng mga gamit ng mga estudyante.

Nalaman ng KAMI ang naging tugon ng DepEd matapos agad na kumalat sa social media ang video ng pambuubulyaw ng administrator ng Bicol Central Academy sa mga mag-aaral na lumabag sa patakaran.

Matapos maging viral, umani naman ang nasbaing lalaking administrator ng matinding pambabatikos at pagkadismaya mula sa netizens.

Matatagpuan ang nasabing pribadong paaralan sa Libmanan, Camarines Sur.

Ayon namans a direktor ng DepEd Bicol Region na si Gilbert Sadsad, kinakailangang punan ng administrator ang lahat ng mga pangangailangan ng mga estudyante na nawalan ng gamit matapos ang insidente.

"Definitely one of the recom[mendation] that we are proposing is for him to attend to the damages. Kailangan bayaran ang damages." Sagot niya sa isang report ng ABS-CBN News.

Kasunod nito, agad namang gumulong ang imbestigasyon sa nangyaring insidente sa eskwelahan sa Bicol.

Sang-ayon pa sa mga lumabas na ulat sa social media, noong Lunes ay nasa Maynila raw ang nambulyaw na administrator upang magbigay ng kanyang paliwanag sa board ng eskwelahan.

Labing apat (14) na estudyante ang nasabing nasunugan ng mga gamit. Kaugnay pa nito, ilan sa kanila ay piniling huwag na munang pumasok matapos ang insidente dahil sa umano'y trauma na dala pangyayari.

May nagkwento rin na estudyanteng tumangging magpakilala na hindi raw kasi nasunod ang patakaran na formal attire ang suotin nila. Ikinainis daw ito ng administrator kung kaya ay ipinasunog ang kanilang mga gamit.

Kaya naman, ani Sadsad, sasailalim daw ang mga ito sa stress debriefing. "We will do our best to talk to our children and make sure to go to school without fear." Inilahad ng DepEd director.

Samantala, nanganganib naman na mawalan ng permiso na mag-operate ang Bicol Central Academy kasabay na rin ng maaring pagtanggal sa mga benepisyo ng nasabing paaralan.

Panooring sa ibaba ang nasabing viral video:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there, too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mispronounced words: every language has them. And English is not an exception. So, today we are going to ask people we will meet in the streets of the Philippines to spell some of the most difficult English words – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel