Viral ang video ng isang pasabog na song number tribute ng magkapatid para sa kanilang ate

Viral ang video ng isang pasabog na song number tribute ng magkapatid para sa kanilang ate

- Naging viral ang isang video nina Izza at Win Alano na nagperform sa kasal ng kanilang ate sa ginanap na reception nito kamakailan lang

- Hindi akalain ni Ayu Alano-Llanes na makakapaglapat sila ng sariling lyrics sa mga kantang pamilyar na may hugot at kaugnayan sa kaniya

- Umabot sa mahigit 4M views ang nasabing video sa Facebook kung saan ito inupload

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Hindi inasahan ni Ayu Alano-Llanes na ang inaakala niyang speech ng kanyang kapatid na si Izza ay isa palang bonggang pasabog na concert kasama ang isa pang sister nila na si Win. Umani ito ng papuri sa social media dahil sa cute na performance.

Nalaman ng KAMI ang tungkol sa viral video kamakailan lang matapos itong gumawa ng matinding ingay sa social media dahil sa nakatutuwang kwento sa likod nito.

Ani ng netizens, dapat daw ay mai-feature man lang ito sa #KMJS o sa Rated K dahil sa nakakatouch an mensahe ng mga kapatid nila para sa kanilang ate.

Ayon pa kay Ayu, 4 na buwan daw itong pinagplanuhan at inensayo ni Izza. Kaya naman ay pressured siya dahil paano raw ba niya ito mapapantayan sa mga darating na kasal ng kanyang mga kapatid?

Ngunit ipinagpapasalamat naman ni Ayu ang pagkakaroon niya ng mga kapatid na talagang mahal siya at nagdedicate ng kanilang oras at saya upang makapiling siya.

Nalulungkot naman ito sa kanyang post nang sabihin na kalaunan ay babalik rin ang dalawang mga kapatid sa Japan, na kung saan ay maaaring namamalagi ang dalawa kasama ang parents.

Umabot ang video sa mahigit 4 na milyong views, at dumarami pa, sa social media, lalo na sa Facebook dahil sa positive vibes ng kasalanan na kung saan ay maraming millennials ang makaka-relate dito.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel