Netizens, labis na kinilabutan sa 'white lady' na nakisabay daw sa multicab sa Quezon

Netizens, labis na kinilabutan sa 'white lady' na nakisabay daw sa multicab sa Quezon

- Viral ngayon ang video na bahagi ng isang netizen na kuha sa old zigzag road sa Atimonan, Quezon

- Ayon sa nagpost na si Patricia Camille Alvarez, bandang alas dose ng Agosto 14 nang namataan nila ang white lady na tila nakasakay sa multicab na nasa unahan ng kanilang sinasakyan

- Kinilabutan daw ang mga netizens na naakakita sa maiksing video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang post ng netizen na si Patricia Camille Alvarez kung saan isang white lady daw ang nakunang ng video.

Nalaman ng KAMI na kuha ang video bandang alas dosa ng hatinggabi noong Agosto 14. Nakasakay daw sila noon sa kotse nang dumaan sila sa old Zigzag road sa Atimonan.

Laking gulat nila nang mapansin nila ang multicab na nasa unahan nila ay tila may nakisabay.

Makikita sa video na tila isang babae na may maitim na buhok ang sakay sa pick-up ng multicab.

Mapapansin din na kahit umaandar ay di matinag sa pagkakaupo ang 'babae'. Ayon pa sa ibang komento, kadalasan daw, ang mga sumasakay sa ganoong klaseng mulitcab ay nasa gilid ito at malamang nakahawak dahil maalog sumakay dito.

Kaya naman takot na takot daw sina Patricia ngunit nakunan pa rin nila ito ng video.

Sa sobrang takot, binagalan na nila ang andar nang mauna na ang multicab.

Samantala, kinilabutan din daw ang mga netizens na nakakita ng video lalo na sa mga alam ang kwento ng mga kababalaghan na nangyayari sa old zigzag road sa Atimonan, Quezon.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"katakot...snna nilapitan nyo... dahil jan ayaw ko ng sumakay s likod pag gabi...un pnmn trip nmin..."

"Gel katakot naman toh"

"nakakakilabot nga.. Maganda sana kung lumapit pa kayo..tanda niyo plate no.?..baka nagpaalam sa driver na makikisakay xa haha....naalala ko exp.namin ng tatay ko jan sa zigzag black naman na aso naglalakad sa gitna ng daan hinding hindi talaga tumatabi....pray na lang natin na maging safe lahat ng dumadaan jan.."

"Scary talaga... Kinilabutan kmi nila kuya ramil at Shenna Rie Marasigan ALmagro kasi nasa unahan kmi... Nilayuan n nmin ung sasakyan... Pinauna n nmin.. Huhuhuhuhu..."

"Ee ay naki angkas talaga nga, kapanglaw"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel