Walang kapantay na tuwa ang hatid ng Kuwaiti employers sa isang Pinay OFW

Walang kapantay na tuwa ang hatid ng Kuwaiti employers sa isang Pinay OFW

- Hindi makapaniwala si Might Jorlene Jhore nang gisingin siya ng mga amo niya at mga anak nila para sorpresahin sa kaarawan nito

- Makikita sa mukha niya ang hindi maipintang saya at pagkasorpresa matapos marinig ang kantang "Happy Birthday" habang dala ng mag-anak ang mga regalo at cake para kay Jorlene

- Viral ang video na kinunan na umabot na sa 72,000 views sa Facebook matapos itong i-upload ni Jorlene dahil sa kanyang pasasalamat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng isang nakakaiyak na birthday surprise ng mga Kuwaiti na amo ni Might Jorlene Jhore, na isang Pinay OFW na domestic helper sa Kuwait. Aniya, napakaswerte niya raw sa mga employer niya at pamilya nito.

Nalaman ng KAMI na ang video ay inupload mismo ni Jorlene at inabot ito ng higit 72K views sa social media. Maraming naantig sa kanyang nakatutuwang karanansan bilang OFW.

Makikita sa video kung gaano kasaya ang Kuwaiti family na batiin siya sa kanyang kaarawan. Nagagalak naman na binati ng pamilya si Jorlene na natutulog sa kanyang kwarto sa kanilang tahanan sa Kuwait.

Matapos siyang batiin ay binigyan pa ito ng mga regalo na mismong iniabot ng mga alaga niyang bata. Tuwang-tuwa at halos naluluha na si Jorlene sa kanilang napakabuting kalooban.

Sa kanyang video post, nilagyan nya ito ng caption na:

"THE BIG SURPRISE FOR MY BIRTHDAY..... wag matatakot mangarap my mga tao parin na mababait dito sa KUWAIT na kagaya nila kaya tuloy lng mangarap upang makamit ang mga ninanais natin sa buhay...Watch this at makikita mo kung gaano kaswerte ang makakatagpo ng ganitong amo..."

Panoorin ang nasabing video sa ibaba:

In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly). Is Cape Town the capital of Africa? Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more… – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Source: Kami.com.ph

Related news
Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel