Dumepensa ang Makati police matapos ang naging pag-aresto nila sa 3 abogado sa isang bar raid

Dumepensa ang Makati police matapos ang naging pag-aresto nila sa 3 abogado sa isang bar raid

- Ayon sa pulisya ng lungsod ng Makati, inaresto ang tatlong abogado dahil sa kanilang basta-bastang pagpasok sa loob ng bar premises

- Bukod pa raw sa pagpasok ng walang pahintulot sa police line ay hindi pa umano nagpakilala ang mga nasabing abogado

- Ayon naman sa IBP, ang mga kasong isinampa sa 3 abogado ay pagtatakip lang ng kanilang pagdedetain sa tatlo; sinabi naman ng CHR na maaaring pamarisan daw ito ng ibang tagapagpatupad ng batas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Iginiit ng pulisya ng Makati na nasa lugar naman daw ang pag-detain nila sa tatlong abogado bunsod ng pagpasok nila sa loob ng Time, isang bar sa Makati na ni-raid ng nasabing pulisya. Dumepensa ang pulis sa kanilang panayam.

Nalaman ng KAMI ang tungkol sa kanilang depensa matapos ang makapanayam ang Makati city police noong Sabado, Agosto 18.

Ipinihayag ng police na tama ang naging desisyon nila na ikulong at sampahan ng reklamo sina Atty. John Sambrano Soliven, Atty. Lenie Rocel Elmido Rocha, and Atty. Romulo Bustamante Alarkon, na umano'y pumasok na lamang nang walang pahintulot.

Ayon kay Metro Manila Police director Chief Supt. Guillermo Eleazar, biglaan lang daw ang pagpasok ng tatlo sa police line kahit na binawalan na ng pulisya.

"Pumasok na lang nang di nagpapaalam (They came in without permission). They were cautioned by the police there."

Dagdag pa niya, tumanggi rin ang tatlo na magpakilala at ihayag ang kinalaman nila sa na-raid na bar sa Makati.

"They were asked [for] identification pero they refused... They interfered with the procedure."

Sinabi rin ni Eleazar na ang umano'y panggagambala ng mga abogado sa crime scene ay maaaring makasira sa isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan.

"They could tamper the crime scene by pagpunta sa lugar na di kasama ang pulis."

Sa kabilang banda, sinabi naman ng Commission on Human Rights (CHR) na kanilang isasagawa naman ang hiwalay na imbestigasyon sa nasabing pangyayari.

"It shows utter disrespect not only of the law profession but also of constitutionally enshrined rights. It emboldens other law enforcement agencies and puts at risk ordinary Filipino citizens." Sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline de Guia sa panayam ng ABS-CBN News.

Kaugnay nito, ipinahayag din ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na madaling maibabasura ng piskalya at ng korte ang mga reklamong isinampa ng kapulisan laban sa tatlo.

"I think this charge of constructive possession of dr*gs is just a way of justifying their detention beyond the reglementary period and I think we are confident that if this is evaluated by the fiscal and the court, they would properly be dropped as they should be."

Nagsampa ng kaso ang kapulisan laban sa tatlong abogado ng obstruction of justice, resistance and disobedience upon agents of authority, paglabag sa city ordinance na nagbabawal sa pagtawid sa police line, at constructive possession of illegal dr*gs.

Giit ni Eleazar, "Hindi naman na-establish ang kanilang identity, so they can be included as respondents in the case kasi may nakita tayong dr*gs dun eh."

Ayon pa rin sa hepe ng Metro Manila police, welcome naman daw ang mga abogado na tumulong sa mga operasyon ng pulisya. Ang kanilang hiling lang sa kanila ay dapat na igalang din daw ang kapulisan sa mga ginagawang operasyon.

"In our campaign against scalawags, hindi natin tinotolerate ang wrongdoings ng mga pulis, iniimbestigahan at hinuhuli. Pero kung nasa tama naman at sila ay minamaliit, bibigyang proteksyon natin.'

In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly). Is Cape Town the capital of Africa? Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more… – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Source: Kami.com.ph

Related news
May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel