Chito Miranda, sinagot ang bashers ni Neri Naig kaugnay sa kontrobersyal na breastfeeding article

Chito Miranda, sinagot ang bashers ni Neri Naig kaugnay sa kontrobersyal na breastfeeding article

-Hindi napigilan ni Chito Miranda ang sarili na mag-react sa isang article tungkol sa asawang si Neri Naig Miranda, dahil sa maling caption ng isang article

-Ayon pa sa mag-asawang Miranda, marami ang nagalit at nang-bash kay Neri dahil sa nasabing article

-Muli namang ipinakita ni Chito ang kaniyang pagmamahal at suporta sa asawa, sa kabila nito wala pa din umanong "sorry" ang author ng article

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Tinawag ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig Miranda ang pansin ng isang facebook page, tungkol sa diumano'y maling choice of word sa title ng isang article tungkol kay Neri na tumatalakay sa breastfeeding.

Ayon kay Chito, frontman ng sikat na Pinoy band na Parokya ni Edgar, marami ang nang-bash at nagalit kay Neri dahil sa nasabing article. Misleading at parang tabloid daw ang title o caption nito na maaaring ikinagalit ng mga netizens.

"@chitomirandajr: Misleading yung headline. Parang tabloid lang.Neri shared her breastfeeding journey during her talk, narrating both her negative and positive experiences as a first time mom." pahayag ni Chito mula sa kaniyang IG post.

Ayon pa sa kaniya, disappointing ang nasabing article at sana ay mas nag-focus sa positive side ng story.

Hindi rin napigilan ni Neri, actress at entrepreneur, ang mag-react dito.

"mrsnerimiranda: Wow. Just wow. Ang daming nag send sa akin nito. Galit po ako. Hindi ako natutuwa.Really? Smart Parenting? Very smart talaga.Napakagaling ng gumawa ng article na to. Very responsible. Galing.Magsorry kayo hindi lang sa akin kundi sa lahat ng nanay na na-offend nyo." sinabi ni Neri sa kaniyang IG post.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa article na ito ng nabanggit na facebook page:

Netizen: "Miss Neri walang ma sama mag pag inom ng formula sa baby hindi ibig sabihin walang kwenta na wag naman po sanang judgemental hindi naman din kasi lahat ng breastfeed eh malusog or ma taba ang baby at hindi na sakitin. kanya kanya naman po kasi yun respeto na lang po sana sa ibang momshie's.."

Netizen: "Grabe naman maka anong klaseng ina yan. So hindi na kami mabuting ina ganun ba? Ang anak ko pinanganak kong may facial defect. Hindi sya makadede ng maayos sakin. Tapos ang onti pa ng gatas na napapump ko. So anong gagawin ko gugutumin ko anak ko ganun ba?"

Ipinakita naman ng bokalista ng Parokya ni Edgar ang kaniyang suporta at pagmamahal sa asawa, sa ilang comments sa nasabing article, ay makikitang sinasagot ito ni Chito mula sa kaniyang official facebook page, in a nice way. Hinikayat din niya ang ilang bashers na basahin ang blog post ni Neri upang mas malinawan ang mga ito.

Sa kabila ng maraming pangba-bash kay Neri, marami din namang netizens ang ipinagtanggol ang aktres, marami ang sumuporta dito.

Sa kasalukuyan, wala pa diumanong apologies na natatanggap ang mag-asawa mula sa author ng article na ito.

Samantala, inihayag naman ng nasabing facebook page ang kanilang paghingi ng tawad sa aktres.

"This morning celebrity couple Neri Naig and Chito Miranda called us out for a misleading caption. In our desire to have moms read Neri's inspiring story, our poor choice of words had people wondering if we were pro-mom. The fact that there was even a doubt makes us truly sorry.The first time we shared this on Facebook (August 8), our caption was: Neri is lending her support to all the moms, no matter what feeding choices they make.We should have stuck with that. The decision to breastfeed or formula-feed lies with the mom. And whatever that decision is, it is one Smart Parenting supports." ayon sa kanilang post.

Si Chito o Alfonso Yanga Miranda Jr., ay ang sikat na bokalista ng Pinoy band "Parokya ni Edgar" na naging aktibo noong 1993. Ipinanganak noong February 7, 1976.

Ikinasal si Chito at Neri Miranda ng dalawang beses noong 2014 sa Tagaytay. At noong June 2016, Father's day, inianunsyo ng singer-song writer na sila ay magkaka-baby na.

Dati ng naging viral ang dalawa ngunit nanatiling matatag ang relasyon nila.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel