103 anyos na lolang nangangalakal, hinandugan ng birthday surprise ng mga pulis

103 anyos na lolang nangangalakal, hinandugan ng birthday surprise ng mga pulis

- Tuwang tuwa si lola Rosa nang surpresahin siya ng mga pulis sa pangunguna ni PO2 Alberto Reyes

- Nakita raw ng pulis na mag-isang nangangalakal ang lola kaya naman agad nila itong ininterbyu upang matulungan

- Laking gulat nila na lampas 100 taon na pala ang matanda ngunit kinakitaan pa ng kalakasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng Proud Bisaya kung saan binahagi nila kung paano nasurpresa ang matandang si lola Rosa ng mga pulis para sa kanyang kaarawan.

Sa pangunguna ni PO2 Alberto Reyes, pinuntahan nila ang kinaroronan ng matanda na una nilang nakita sa Clark Field Pampanga na nangangalakal mag-isa.

Nalaman ng KAMI na dinalhan ng mga pulis si lola Rosa ng cake, bigas, pagkain at kiinantahan pa nila ito ng "happy birthday!"

Bakas sa mukha ng matanda ang sobrang kaligayahan ng araw na iyon.

Samantala, inalam din ng mga pulis kung pay naitagong birth certificate si Lola Rosa upang makakuha ito ng benepisyo sa gobyerno. Sa kasamaang palad daw kasi, isang tao ang kumuha ng kanyang birth certificate sa pag-aakalang matutulungan siya nito na makakuha nga ng benepisyo sa pamahalaan.

Tanging mga ID lamang ang mayroon ang lola kaya naman nalaman nila ng Agosto 16, 1915 pala ang kaarawan nito.

Mayroon naman daw na isang anak si lola Rosa ngunit mas nauna pa itong sumakabilang buhay sa kanya.

Dinadalaw dalaw na lamang si lola Rosa ng kanyang pamangkin sa maliit ng barong barong kung saan siya nakatira.

Saludo ang mga netizens sa mga pulis sa ginawa nilang ito sa matanda. Nais din nilang matulungan si lola Rosa ng tuloy tuloy nang sa ganoon ay di na ito mahirapan pang mangalakal.

Sa kanyang edad kasi na sentenaryo na, nararapat lamang na siya ay di na gumagawa ng mabibigat na trabaho.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel