Dalagita, himalang nakaligtas matapos malaslasan ng leeg at masaksak

Dalagita, himalang nakaligtas matapos malaslasan ng leeg at masaksak

- Himalang nabuhay pa si alyas "Jackie" nang siya ay laslasan ng leeg at saksakin sa tagiliran

- Pagnanakaw daw talaga ang motibo ng suspek

- Nahuli man ang salarin, di nasiyahan so Jackie sa sintensya rito na 8 taong pagkakabilanggo lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taong 2011 pa nang naganap ang di malilimutang agaw-buhay na pangyayari ng isang dalagitang tinago sa pangalang Jackie.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay Jackie, di niya malilimutan na pauwi na raw siya nang biglang ayain iya ng dati niyang katrabaho at sabihing may "emergency" daw.

Ngunit laking gulat ng dalagita na wala namang "emergency". Nanakawan pala siya ng suspek at kinuha ang kinita ni Jackie sa araw na iyon at ang kanyang cellphone.

Nalaman ng KAMI na di lang pagnanakaw ang nangyari, marahil dahil sa kilala siya ni Jackie, ginilit pa ang leeg nito at sinaksak pa sa tagiliran. Nagawa pang magsabi ng "Pasensya na" pagtalikod ni Jackie matapos siyang saktan.

Nalaman na lang ni Jackie na may saksak siya nang mahuka pa siyang kaladkarin ng suspek at iwan na lamang doon.

Dahilan sa nawawalang dugo kay Jackie, nawalan siya ng malay ngunit kalauana ay nagising. Di pa talaga niya oras sapagkat nadala pa niya ang sarili sa gilid ng daan.

Nasaklolohan pa siya 4 na oras matapos ang insidente kaya naman himala raw talaga na nabuhay pa siya.

Nahuli naman ang suspek sa mismong bahay nila at nasintensyahan ng 8 taon pagkakabilanggo.

Bagaman at nahuli ang gumawa nito kay Jackie, di siya nasiyahan na 8 taon lamang na pagkakalagak ng suspek sa kulungan. Sa kanya nga raw, habambuhay na niyang dadalhin ang karumaldumal na karanasan na iyon habang ang suspek ay maghihintay lang daw ng 8 taon.

Samantala, maging ang mga netizen ay nagngingitngit sa galit sa naging parusa ng suspek. narito ang kanilang komento:

"Pagganyan kasohan lang masnapapasarap ang buhay ng suspect libre na lahat sa kulongan kain, tubig, sabon, shampoo at mayguardia pa tangina napasarap ang buhay nya. Patayin nalang yan ng patago nagpapasikip lang Yan sa kulongan."

"What....?bale dalawang kaso un.homiciderobbery.8years lng ang pagkabilango."anyare sayo judge".kaya nkapiring na babae ang logo ng justice sa atin.kasi kung mnsan.bulag ang mga hukom."

"8 years lang? tapos ang tagal bago nahatulan ng guilty sya? ano yan? napakabulok ng sistema sa pilipinas! nakita na lahat ng ebidensya natagaln pa ang kaso! kagigil"

"After 7 years ngayon lang napagdesisyunan na guilty.. Tapos 8 yrs lang makukulong kasi nabuhay pa yung biktima sa paglaslas nya sa leeg at sa pananaksak nya ng dalawang beses? ganito ba talaga ang Justice System natin sa Pilipinas????"

"Grave tlga ang hustisya s pinas 7yrs bgo mahatulan.kya karamihan ngkakaso nawawalan na gana sa tagal at gastos nrin kya napapawalang sala anv kriminal 8yrs sentience pano un nakulong ng 7yrs hbang binibista di 1yr lng bubuoin.wla ksi ako idea pro ang hustisya s pinas ngyn ako naniniwlang png mayaman dhl pg wla ka pera kya muba gumastos ng 7yrs na kaso s pamasahe at pglakad ng kaso wla na tlga mawawalan ka gana at bka ngpapatawad kna s tagal at hilom ng sugayt dulot ng kremen ginawa sau.. hay pinas only in the Philippines"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel