Gr. 5 student, kasama ang inang may sakit sa eskwela dahil walang mag-aalaga dito

Gr. 5 student, kasama ang inang may sakit sa eskwela dahil walang mag-aalaga dito

- Naantig ang mga netizen sa malasakit ng isang gr. 5 student na si Jhon Mark sa kanyang ina na may sakit

- Tinutulak niya ang wheelchair ng ina na kasama niya sa eskwela at inaabot sila ng halos 30 minutos bago makarating doon

- Bumaha naman ng positibong mga komento mula sa mga nakakita ng larawan at wala silang ibang hangad kundi ang matulungan ang mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang mga larawan na binahagi ng Kapuso mo, Jessica Soho facebook kung saan isang Grade 5 student ang matiyangang isinasama ang kanyang ina sa paaralan.

Nalaman ng KAMI na walang ibang mag-aaruga sa ina ng batang lalaki na si Jhon Mark kaya naman isinasama niya ito sa paaralan.

Matiyagang tinutulak ni Jhon Mark ang wheelchair ng kanyang ina kung saan inaabot sila ng halos 30 minutos sa paglalakad patungong paaralan.

Minsan, di maiiwasang abutin pa sila ng ulan sa daan. Sa sitwasyong ganito, pinapayungan ng ina ang bata habang patuloy ito sa pagtulak ng kanyang wheelchair.

Kitang kita kung gaano ka-responsableng anak at mag-aaral si Jhon Mark na napagsasabay ang pag-aaral sa responsibilidad niya sa kanyang ina.

Samantala, labis na naantig ang mga netizens na nakakita ng mag-ina. Narito ang kanilang mga komento:

"Buti pa itong bata sa murang edad nagagampanan nya ang obligasyon nya bilang anak nakakaproud ka naman , kahanga hanga samantalang yung iba madalas sila pa nakkaalimot sa magulang nila. Godbless you aasenso kang bata ka dahil sobrang mapagmahal ka sa magulang sna tularang ng iba... Godbless sa inyo mag ina sana gumaling nanay mo"

"Napaka bait na bata. Sana mapanuod ito ng maraming kabataan para malaman nila ang halaga ng mga magulang nila.God bless you boy!"

"Nakakaiyak naman. Kung iisipin mo minsan ang dami nating reklamo sa buhay pero yong ganitong edad na ineexpect mong maglaro at magaral lang ang aatupagin, siya pa yong mas responsable magisip"

"alaga ko rin po yan dito s caloocan city hall north engineering dept., everytime n pumupunta siya s office namin binigyan q siya ng pang baon....saludo po ako s batang yan desidido siyang .makapagtapos ng pag aaral para s kanyang ina....sana matulungan nga po silang mag ina ng ating pamahalaan...kc ang alam q 2 nlang silang nabubuhay at araw araw ganyan ang gawa nilang mag ina...kung nasaan ang anak nandun din si nanay....kailangan po natin silang matulungan....matagal n rin siyang d napupunta s opisina.....bkit kaya?"

"proud and salute ako sayo bata!!"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel