Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay

Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay

-Inianunsyo na ng DOLE na nitong August 21, 2018, araw ng Martes, ay double holiday pay para sa mga empleyadong Pinoy na papasok sa araw na iyon

-Magandang balita ito para sa mga mangagawang Pilipino na magta-trabaho pa rin kahit pa holiday

-Ang August 21 ay idineklarang holiday sa paggunita kay dating Senador Ninoy Aquino at Eid’l Adha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Nitong Biyernes, inianunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE), na ang August 21, 2018 ay isang double holiday. Ito ay sa paggunita sa “Muslim Feast of sacrifice”, Eid’l Adha at sa pag-alala sa araw ng kamatayan ni dating Senador Ninoy Aquino.

Magandang balita ito para sa mga empleyadong Pinoy na papasok sa araw na iyon. Ang August 21 ay idineklarang regular holiday ng Pangulo sa pagdiriwang ng pista ng sakripisyo ng mga kapatid nating Muslim, kasabay nito ay ang paggunita naman sa araw ng pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino na isa namang special non-working holiday.

Pinaalalahanan naman ng DOLE ang lahat ng employers sa bansa na sumunod sa nasabing deklarsyon ng gobyerno at ibigay ang nararapat na sahod sa lahat ng empleyadong magta-trabaho sa araw na iyon.

Ang lahat ng mangagawang papasok sa araw na iyon ay makakatanggap ng dobleng sahod sa kanilang daily rate at may dagdag na 30 percent. Sa kabuuan ay magkakaroon ang isang empleyado ng 260 percent na kaukulang sahod sa daily basic rate nito.

Para naman sa mga empleyadong mag-o-overtime sa araw na iyon, makakatanggap ito ng karagdagang 30 percent sa hourly rate nito.

Para naman sa mga empleyadong may day-off at papasok sa araw na iyon, karagdagang 50 percent ang matatanggap nito. At sa mga empleyadong hindi naman magta-trabaho sa araw na iyon, matatanggap nito ang buong arawang sahod nito.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel