Baliktanaw sa paghihirap! Joshua Garcia, pinagkasya ang 10 pisong allowance noong nag-aaral

Baliktanaw sa paghihirap! Joshua Garcia, pinagkasya ang 10 pisong allowance noong nag-aaral

- Muling binalikan ng aktor na si Joshua Garcia ang kanyang dinanas na kahirapan

- Sampung piso lang umano ang pinagkakasya niyang allowance noong nag-aaral pa

- Hindi daw niya iyon ginagastos para makabili ng regalo sa girlfriend niya noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napagkasya ni Joshua Garcia ang sampung pisong baon noong nag-aaral pa lamang siya ng high school.

Sa panayam sa kanya sa Tonight with Boy Abunda, binalikan ni Joshua ang kanyang pinagdaanan noong hindi pa siya artista.

Hindi daw niya ginagastos ang kanyang baon noong may girlfriend niya upang makapag-ipon para may pambiling regalo para sa kanilang monthsary.

“Kapag monthsary na, bibili na ako sa mall ng silver na kwintas at pendant para may pang regalo na.”

Masayang masaya naman daw ang aktor na kasama niya si Julia sa pinakabago nilang teleserye.

Naging daan ang kanyang matagumpay na showbiz career upang mabili niya ang mga bagay na gusto niya na dati ay pinangarap niya lang.

“Tambayan ko dati computer shop, pero nanunuod lang ako Tito Boy dahil wala ako panlaro (pera)… kaya alam mo yun masarap lang sa feeling na yung mga hindi mo magawa nuon, nagagawa mo na, nabili mo pa.”.

Si Joshua Garcia ay unti-unting nakilala sa galing niya sa pag-arte. Binansagan pa siyang susunod na John Lloyd Cruz dahil sa husay niyang pinamalas sa mga teleserye at pelikulang kanyang kinabilangan.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel