Machu-nurin lang sila! Mga house-husband sa Pinas, di na raw 'under-de-saya'

Machu-nurin lang sila! Mga house-husband sa Pinas, di na raw 'under-de-saya'

- Dumarami na nga raw ang mga house-husband sa ating bansa

- Babae o mga misis na ang siyang nagtatrabaho upang kumita ng pera habang ang mister ang siyang gumagawa ng mga gawaing bahay

- Tila unti-unti na raw nawawala sa kultura ng mga Pinoy na isiping "under-de-saya" ang mga mister na siyang gumagawa ng mga gawaing bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Jason Burdado sa nakapanayam ng GMA news patungkol sa sitwasyon noya bilang isang house-husband.

Sa kadahilanang proud si Jayson sa pagsusumikap ng kanyang misis sa catering business nito, mas minabuti ni Jason na siya na lamang ang maiwan sa bahay para sa gawain dito.

Nalaman ng KAMI na bagaman at isa si Jason sa dumarami nang 'macho-nurin' sa kanilang tahanan, di niya ito kinahihiya.

"Paglalaba, nagluluto, pinapaliguan ang mga bata. Tapos 'yung mga sinampay nililigpit ko, pagdating sa gabi luto pa ulit," masayang binahagi ni Jason.

Mas malaki raw ang kinikita ng kanyang misis kumpara sa kinikita niya kaya nagsesisyon sila na ang misis na lamang ang maghanapbuhay at si Jason ang maiiwan sa mga bata sa bahay.

Isa lamang siya sa mga dumarami nang house-husband na pinagkakatiwalaan ng kanilang mga misis at tila tanggap na palit na sila Ng tungkulin.

Tila namamatay na nga raw ang kultura ng "under-de-saya" sa ating bansa.

Ayon sa pa sa ulat, dala ng hirap na makahanap ng trabahong makakabuhay sa isang pamilya at sa mga oportunidad na pasok sa kakayahan ng mga kababaihan, nawawala na ang konsepto na ang mga babae ay 'sa bahay lamang'.

"Hindi na talaga sapat eh, 'yung minimum na kita ng isang ama ng isang padre de pamilya sa gastusin sa bahay," sabi pa ng isang house-husband.

'Yung lalaki kasi sa ngayon sa siyudad mas marami walang trabaho. 'Yung babae kasi madali humanap ng trabaho," Dagdag pa ng isa pang house-husband.

Ayon sa OXfam, isang non-profit organization, 4-6 na oras ang ginugugol ng mga misis sa gawaing bahay pa lang at 11-12 oras sa pag-aalaga ng bata. Kung ito raw ang pagbabatayan, kulang na talaga ang isang araw nila lalo na kung sila pa ang nagtatrabaho.

Ngunit, sa mundo raw ngayon na napakabilis ng kompetisyon, mas magiging mainaw pa rin daw na sa ordinaryong pamilya, dalawa ang naghahanapbuhay.

Gayunpaman, dedma na lang daw ang mga house-husband sa mga ito. Ang importante, maayos ang pagsasama nila ng misis,may pagkakaintindihan, may nag-aasikaso sa kanilang mga anak at madadatnan nilang nasa ayos ang kanilang tahanan.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel