Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid

Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid

- Kinuwento ni JR Hementera Advincula na sa 10 magkakapatid, siya sana ang ilalaglag ng ina noong siya ay nasa sinapupunan pa dala ng matinding problema

- Si JR ang kauna-unang nagtapos sa kanilang magkakapatid

- Di biro ang paghihirap ni JR makatapos lamang dahil na rin sa dami ng pagsubok ng kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mapapabilib ka talaga sa diskarte na ipinakita ni JR Advincula sa kanyang buhay. Sa 10 magkakapatid, binalak pa ng ina nito ipalaglag sana si JR noong nasa sinapupunan pa ito dala ng matinding problema nila ng ama nito.

Di nila aakalain na si JR na pang-anim sa magkakapatid ang kauna-unahang magtatapos dahil sa abilidad nito na siyang ginamit niya upang maigapang niya ang pag-aaral.

Hayskul pa lamang daw si JR, siya na ang gumagawa ng paraan kung paano siya makakapasok sa paaralan at kung paano niya tutugunan ang kumakalam na sikmura.

Makailang beses rin siyang huminto sa pag-aaral dahil na rin sa wala na siyang maitustos para sa sarili, Ngunit determinado si JR kaya umisip siya ng paraang maigapang ang huling yugto ng pag-aaral para siya ay makapagtrabaho.

Kaya naman ngayong nakatapos na siya, buong pagmamalaki niya sapagkat kina niya ito sa sariling pagsisikap.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na nakalap ng KAMI.

“Si JR lang bukod tanging anak ko ang nilalag ko noong nasa sinapupunan ko siya dahil doon kami nagkaroon ng malaking problema ng Tatay niya” -Nanay

Oo, totoo yun! Masakit man na nakakatawa marinig yan kapag lagi napagkwekwentuhan pero yan ang totoo! Pero ito ako sa mundong ibabaw binigyan ng pagkakataon ni Lord upang masilayan ang ganda ng mundo at makipagsapalaran sa hamon ng mundo.

Bata pa lang ako mahilig na talaga ako mangarap at magisip-isip ng mga bagay bagay na gusto ko mangyari sa buhay ko. Kumbaga, overthinking sa lahat ng bagay lalot higit sa mga bagay na wala ako na gusto ko makamit.

Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid

source: supplied

Pinanganak ako na mahirap kami. Hindi ganun kataas sa buhay or may kaya sa buhay bagkus nakakaraos sa tulong ng aking Tatay na siyang bumubuhay sa aming magkakapatid o sa aming pamilya. Salat man sa yaman, hindi nag paawat upang makamit ang mga pinapangarap sa buhay. Natapos ko ang elementarya hanggang high school sa tulong na aking ama’t ina. Hinamon ng pagsubok sa araw-araw.

High school days don ko nalaman ang hirap ng buhay, don ako simula mangarap ng mataas at nagsumikap sa pag aaral. Pinangarap ko din na taon taon or recognition day dapat kasama ko magulang ko sa stage. Sa awa ng Diyos at pagsisikap at pagpupuyat sa pagtutok sa pag aaral ay naging consistent honor student naman ako noong high school. Higit sa lahat hinding-hindi ko makakalimutan sa high school life ko yun isa ako sa napasama ng aking guro sa “feeding program” para sa libreng pagkain na proyekto ng canteen sa aming paaralan dahil sa sobrang pauat ko at kulang sa timbang ang aking katawan. Sapat na minsan ang sabaw at kanin na bibilin sa canteen upang iraos ang tanghalian at lunok nalang ng laway sa recess. Kung swerte ang araw na may baon ay may masarap na tanghalian sa canteen na taglimang pisong bolognia na may ketsup at kanin talo talo na with tropa.

Dumating ang hamon sa buhay sa pamilya ko napilitan kami umuwi sa probinsya at mag transfer ako at malapit na magtapos sahigh school. Mas lalo ko naramdaman yun hirap ng buhay dahil sa liit ng kita ng aking Tatay o sapat lamang para sa mga bayarin sa bahay.

Nagkabaon baon sa utang ang aking Nanay upang makipgsapalaran sa buhay. Utang dito, utang doon, kuha gamit dito, benta don, halos magtago na Nanay ko dahil sa dami ng naniningil pero patuloy padin lumalaban sa dami ng pagsubok na dumating sa aming pamilya.

Ate ko lang kasama ko sa stage upang magsabit ng 5 medalya sa akin. Wala ako choice kasi wala ako kasama magulang. Iyakan na dahil magbibigay na ng red roses sa magulang pero ako sa ate ko lang inabot. Pero sabi ko sa sarili ko may college pa naman siguro baka don kasama ko na sila...

Nag stop muna ako, nagtrabaho kung saan-saan at nagipon. Upang makapag aral sa kolehiyo at mapaghandaan lahat ng gastos.

2012- Sinimulan ko mag enroll sa Bulacan State University sa awa ng Diyos ay nakapasa naman sa kursong BSED- Physical Science. May munting ipon na ipupuhunan sa pag aaral sa kolehiyo pero hindi siya naging sapat upang makapag patuloy upang matapos yun kurso ko.

2013- Nagdecide ako mag stop dahil hindi kona kaya pag aralin sarili ko at ng magulang ko. I decided na mag work nalang muli uoang makaipon upang maipagpatuloy ang aking pag-aaral. At binigyan ulit ng chance makabalik sa BSU sa taong ito. Naging irreg ako dahil marami ako subject na dapat habulin dahil sa aking pagkakahinto.

Diskarte sa buhay ang pinairal para mapagtagumapayan ang pang araw-araw na gastos sa school.

Dumating din ang dagok sa kolehiyo.

Shout out nga pala sa naging Prof ko sa Trigonometry (Hello Prof) binagsak niya kami sa subject nayan dahil may nagsumbong daw na sipsip na kaklase (happy ka ngayon?, cumalude ka? Mayaman kanaba ngayon sipsip ka?) Nagisip ako kung magsummer ako or maghinto nalang dahil sa isang subject nayun. Hindi ko makakalimutan yan sa BSU!

Pero sabi nga ng iba, lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan.

Umatend ako sa isang Youth Activity sa aming simbahan at may nakilala na nagtapos sa PUP . Nakapagpalagayan ng loob, naging kaibigan, naging katulong upang makapasok sa Sintang Paaralan (PUP) pero dahil sa bagong opprotunity sa buhay ko bagong pagsubok na naman ang haharapin at kailangan pag tagumapayan. Lakasan ng loob, lumuwas ng Manila upang magkipag sapalaran sa PUP kung matatanggap ba o hindi.

Lalaking ilalaglag sana noong nasa sinapupunan pa, unang magtatapos sa 10 magkakapatid

source: supplied

Isang malaking opprotunity ang binigay ni Lord sakin ang maging isang TRAVEL ORGANIZER(Ang Biyahe Ni JR), isa ito sa pinakamalaking blessing na natanggap ko kay Lord dahil dito na halos lahat naging sandalan ko sa lahat ng problema. Aral sa weekdays pero mawawala ba or pwede naman isingit ang walwal para anti stress ni JR, trabaho sa weekends. Marami nagtataka kung paano ko namamanage lahat ng oras ko sa lahat ng ginagawa ko sa buhay ko. Ang Biyahe Ni JR ang siyang naging pundasyon ko upng mas madevelop ko lahat ng pagkatao ko at isa ito sa di ko makakalimutan experience ko habang kinukuha ko ang aking panagarap ko.

JR HEMENTERA ADVINCULA

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA, MANILA

BUSINESS TEACHER EDUCATION

MAJOR IN BUSINESS TECHNOLOGY

AND LIVELIHOOD

2014-11248-MN-1

ISKOLAR NG BAYAN

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel