Straight guy, natuwid ang buhay nang pinasok niya ang 'pagrerebond'

Straight guy, natuwid ang buhay nang pinasok niya ang 'pagrerebond'

- Nilinaw ng hairstylist na si Jiro Kinoyama na 'straight' na lalaki siya

- Bagaman at madalas babae o bakla ang gumagawa ng trabaho na ito, di ito kinahiya ni Jiro

- Katuwang niya kanyang misis at ginawa na nilang online ang pagtanggap ng mga kliyente na magpapaayos ng buhok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Blow dry, gupit, plantsa, rebond at halos lahat ng gawain sa parlor, alam na alam na ni Jiro Kinoyama.

Nalaman ng KAMI na bagaman at babae o bakla ang kadalasang gumagawa ng mga gawain sa parlor, di ito kinahihiya ni Jiro dahil ito ang bumubuhay sa kanilang pamilya.

Laki sa lola si Jiro dahil ang ina niya ay nasa Japan mula pa nang siya ay bata pa. Kinupkop din siya ng ng kanyang tiya ngunit nang nagkaroon na ito ng pamilya, sinabi nito sa maayos na paraan na kailangan nang tumayo ni Jiro sa sarili niyang mga paa.

Masakit man ngunit sinubukan naman ni Jiro na maghanap ng pagkakakitaan.

Naging waiter at bagger si Jiro ngunit para sa kanya di ito sapat dahil sa napakalimitado ng mga oportunidad.

Hanggang sa may nag-alok sa kanya na makapagtrabaho sa isang salon. Tinuruan siya ng mga gawain sa salon. Mula pagbabanlaw hanggang sa pagrerebond, natutunan niya.

Di niya pinakawalan ang trabaho na kalaunan ay siyang naging negosyo ng kanyang misis. Wala na siya sa parlor ngunit ginawa nila itong home service.

Madalas matanong ng kanyang mga customer kung ano ba ang kasarian niya lalo na kung di naman niya kasama ang misis.

Minsan pa nga, mag-isa lang raw ang kanyang kliyente na kanyang nirerebond. Napaghinalaan pa siya ng asawa nito ng masama dahil sa lalaki nga siya ngunit nagrerebond.

Ngunit para kay Jiro, wala naman siyan ginagawang masama at ang kliyente niya rin ang dapat mag-adjust dahil totoong lalaki si Jiro kahit pa siya ang gumagawa ng gawaing parlor.

Masaya si Jiro sa kanyang ginagawa at inspirado siya dahil sa suporta ng kanyang misis at sa pagmamahal ng kanyang mga anak.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel