Nakakakilig ang kagwapuhan ng isang Thai actor na nasa Pilipinas ngayon, pagbibidahan nito ang isang third wheel movie

Nakakakilig ang kagwapuhan ng isang Thai actor na nasa Pilipinas ngayon, pagbibidahan nito ang isang third wheel movie

-Sikat na aktor mula sa Thailand ang nasa Pilipinas ngayon upang mag-promote ng movie nito na "Brother of the year"

-Kilala ang ito sa Thailand na isang talentadong aktor at modelo na mayroong 2.9 million followers sa Instagram

-Ang pelikulang "Brother of the year" ay isang romantic comedy na sesentro sa istorya ng mag-kapatid na mag-kaiba ang ugali na siyang magiging dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Nasa bansa ngayon si Sunny Suwanmethanont, isang Thai actor na bibida sa romantic comedy movie na "Brother of the year", upang mag-promote ng kanilang movie sa Pinoy fans. Si Suwanmethanont ay isang Thai na may Singapore at French descent. Nalaman pa ng KAMI, na ang binata ay isang atheist o non-believer.

Isa ito sa pinaka-sikat na aktor ngayon sa Thailand na may 2.9 million followers sa Instagram. Isa sa pinagbidahan nito ay ang Thai movie na "I fine...Thank you... Love you" noong 2014 na siyang highest grossing movie sa Thailand sa ngayon.

Sa pelikulang "Brother of the year" naman, bibida si Sunny bilang si Chut kuya ng karakter na si Jane na gagampanan naman ng Thai actress na si Urassaya Sperbund. Isa itong romantic comedy na sesentro sa istorya ng mag-kapatid na magkaiba ang ugali na siyang magiging dahilan ng madalas nilang pagtatalo.

Marami ang matutuwa dahil ang nasabing actor-model ay "positively single" ayon sa nakalap na inpormasyon ng KAMI.

Si Sunny Suwanmethanont ay ipinanganak noong May 18, 1981 at ngayo'y 37 taong gulang na naka-base sa Thailand.

Nagtapos si Suwanmethanont sa Surasakmontree School sa Bangkok sa kursong Communication Arts.

Nakilala at sumikat ng husto ang aktor sa pagganap niya bilang Khaiyoi sa pelikulang "Dear Dakanda" noong 2005 kung saan itinanghal siya bilang best actor sa 3rd Kom Chad Luek Awards.

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel