Nakakatakot na tagpo! Video ng pagsadsad ng Chinese aircraft sa NAIA kumalat. NAIA international runway, sarado pa rin

Nakakatakot na tagpo! Video ng pagsadsad ng Chinese aircraft sa NAIA kumalat. NAIA international runway, sarado pa rin

-Isang video ang lumabas mula umano sa isang pasahero ng eroplanong mula sa China na sumadsad sa NAIA kagabi, 11:55 pm

-Ayon sa pamunuan, 60 flights na ang kanselado dahil sa nasabing insidente

-Nahihirapan diumano sila na hatakin ang aircraft na siyang dahilan ng pagsasara ng nasabing runway

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Isang video naman ang nakalap ng KAMI mula sa GMA News facebook page kung saan may ilang clip sa loob ng eroplano habang sumasadsad ito sa lupa. Kuha ito ng isa sa mga pasahero ng Xiamen Air flight MF 8667 na nag-crash landing sa NAIA kagabi.

Makikita rin sa video ang ilang tagpo sa loob ng airport habang pinipilit ng mga otoridad na maialis ito sa runway ng NAIA.

Dalawang telescopic boom cranes na ang ginagamit ng MIAA upang hatakin ang nakaharang na aircraft mula sa China. Sinabi pa ng General Manager ng MIAA, na si Ed Monreal, nabigo umano silang alisin ang aircraft gamit ang kanilang lifting bags dahil nag-crash landing ito sa madamong parte ng airport. Ayon pa dito, mayroon naman ng "slight improvement" bandang 4:00 ng hapon.

"Natanggal na yung mga bagahe. At least makakabawas sa timbang pag hinatak." sabi ni Monreal.

Ang mga opisyal naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay nag-iimbestiga na hinggil sa insidente, kabilang sa sisiyasatin ay ang anggulo ng pagkukulang ng Piloto ng Xiamen Air flight MF 8667. Inaasahan naman nila ang tulong ng China sa pag-iimbestiga sa insidente.

Gayunman, kailangang siguruhin ng CAAP na bubuksan lamang ang runway kapag ito ay ligtas ng gamitin ayon sa uto ni Transportation Secretary Arthur Tugade

Samantala, iniurong na ang muling pagbubukas nito mula sa unang pahayag na 12:00 ng tanghali ngayong araw, naging 5:00 ng umaga na bukas, araw ng Sabado.

Narito naman ang listahan ng mga kanseladong flights nitong hapon:

Terminal 1

Etihad Airlines

EY 421 Manila - Abu Dhabi 2336H

Saudia Airlines

SV 871 Manila - Jeddah 1810H

Hongkong Airlines

HX 781 Hong Kong- Manila 2300H

China Airlines

CI 711 Kaohsiung- Manila 0910H

CI 712 Manila - Kaohsiung 1000H

Terminal 2

Philippine Airlines

PR 453 MNL-GES 0715H

PR 454 GES-MNL 1215H

PR 1845 MNL-CEB 0655H

PR 1846 CEB-MNL 1010H

PR 432 MNL-TOKYO 1440H

PR 408 MNL - Osaka Kansai 1355H

PR 438 MNL - NAGOYA 1355H

2P 2959 MNL - CD0 0715H

PR 300 MNL-HKG 0755H

PR 301 HKG-MNL 1330H

PR 422 MNL-HKG 1330H

PR 421 HND-MNL 0825H

PR 507 MNL-SIN 0955H

PR 508 SIN-MNL 1830H

PR 418 MNL-PUS 1955H

PR 419 PUS-MNL 2345H

PR 1466 MNL-ICN 2345H

PR 467 ICN-MNL 1110H

PR 730 MNL-BKK 0945H

PR 731 BKK-MNL 1800H

Tiger Airways

TR 306 MNL-HKG 1435H

TR 307 HKG-MNL 2015H

Terminal 3

Cathay Pacific

CX 908 MNL-Hong Kong 0600H

CX 912 MNL - Hong Kong 0825H

CX 906 MNL-Hong Kong 1050H

CX 907 Hong Kong - MNL 0940H

Cebu Pacific

5J 272 MNL- Hong Kong 0600H

5J 273 Hong Kong - MNL 1200H

5J 5054 MN - Hong Kong 0615H

5J 5055 NARITA - MNL 1720H

5J 929 MNL-BANGKOK 0615H

5J 930 Bangkok - MNL 1445H

5J 110 MNL-Hong Kong 0735H

5J 111 Hong Kong- MNL 1400H

5J 112 MNL-Hong Kong

5J 113 Hong Kong-MNL

5J 114 MNL-Dubai

5J 115 Dubai-MNL

5J 805 MNL-SIN 1330H

5J 806 SIN-MNL 2330H

5J 188 Manila-Incheon

5J 187 Incheon-Manila

5J 487 Manila-Bacolod

5J 488 Bacolod-Manila

Narito naman ang mga flights na inilihis sa Clark International Airport:

Cebu Pacific

5J 804 Singapore-Manila

5J 187 Incheon-Manila

Philippine Airlines

PR 103 Los Angeles - Manila

PR 115 San Francisco - Manila

PR 119 Toronto - Manila

Narito naman ang mga flights na inilihis sa Mactan Cebu International Airport:

Philippine Airlines

PR 115 San Francisco - Manila

PR 117 Vancouver - Manila

Narito ang mga flights na inilihis sa Suvarnabhumi International Airport in Bangkok, Thailand:

PR 655 Riyadh Saudi Arabia-MNL

PR 683 Dammam Saudi Arabia-MNL

Isang flight naman mula sa Philippine Airlines ang inilihis sa Saigon airport in Vietnam: PR 657 Abu Dhabi-MNL.

Ang mga sumusunod na flights naman ay ibinalik:

Cathay Pacific

CX 900 MNL - Hong Kong 1235H

CX 901 Hong Kong - MNL 1125H

CX 906 MNL- Hong Kong 1050H

Nauna ng naibalita ng KAMI, ang pagsadsad ng eroplanong mula sa China, kagabi sa NAIA. Na naging dahilan ng pagsasara ng international runway ng airport.

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel