Super Tekla, sobrang apektado sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend

Super Tekla, sobrang apektado sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend

- May mabigat na pinagdadaanan ngayon ang komedyanteng si Super Tekla

- Kwento niya, naghiwalay sila ng kanyang girlfriend na bis3xual

- Tumagal sila ng limang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May pinagdaraanan ngayon ang komedyanteng si Super Tekla. Ikinuwento niya ang naging dahilan kung bakit siya mangiyak-ngiyak sa presscon ng kinabibilangan niyang teleserye.

Napag-alaman ng KAMI mula sa PEP na lubha siyang naapektuhan ng paghihiwalay nila ng kanyang 24 anyos na girlfriend at hindi madali ang pinagdadaanan niya upang makapag move on.

Mayroon din siyang isang anak na babae mula sa dating karelasyon.

Mismong si Tekla ay minsan na siyang nagduda sa kanyang s3xual orientation, pero nanaig pa rin ang attraction niya sa mga babae.

Naging magkarelasyon sila sa loob ng limang taon. Isa nga umano sa naging dahilan ay ang pagbabago ng pakikitungo diumano nito sa kanya.

"Hindi na siya katulad nang dati. Ang hirap i-let go at doon ako naiinis sa sarili ko.

"Ang number one weakness ko, nalulumpo ako pagdating sa love, lalo na kapag attached ako sa isang tao.

Naapektuhan din umano ang kanyang trabaho dahil sa nangyari.

"Nawawalan ako ng gana na magtrabaho pero iniuuntog ko ang sarili ko na you have to do this," saad niya.

Magkasama sila sa isang condo hanggang sa humantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon dalawang linggo na ang nakakalipas.

"Nasa condo ko pa rin siya pero casual na lang.

"Sabi ko, tama na, hindi na magwo-work. Hindi siya umaalis, ako na lang ang aalis," saad niya.

Inamin niyang bi ang kanyang girlfriend.

"Bis3xual siya. Lesbiyana siya. Sobrang opposite ang relasyon namin.

"Devastated ako kapag nag-aaway kami. Nagbabasag siya ng mga gamit.

Nasasaktan din umano siya ng karelasyon.

"Saka nananakit siya. Siyempre kapag nasaktan ako, doon ako nati-trigger."

Dagdag pa ni Tekla, gusto ng ex-girlfriend niya na tuloy lang ang pagsusustento niya sa kanya kahit hiwalay na sila.

"Nang mag-usap kami, ang gusto niyang mangyari, kahit wala na kami, suportahan ko pa rin siya. Ano yun?

"Dini-direct na niya ang buhay ko?

"May mga banta siya na sisiraan ako, sanay na ako diyan."

Nakilala si Super Tekla nang minsan mag guest siya sa Wowowin at kinuha siya ni Willie Revellame bilang regular host. Gayunpaman, nagka problema at natanggal siya sa show. Marami naman dumating na offer sa kanya kaya tuloy-tuloy ang kanyang career.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel