NBA star Jordan Clarkson, very humble daw ayon sa team Pilipinas

NBA star Jordan Clarkson, very humble daw ayon sa team Pilipinas

-Ayon sa buong team ng PBA, very humble at mabait ang NBA Cleveland Cavalier player na si Jordan Clarkson

-Nasa Indonesia na ang Filipino-American NBA player na si Clarkson para lumahok sa 2018 ASIAN games, kasama ang team Pilipinas

-Hindi naman nakasali ang NBA star sa game ng Pilipinas laban sa Kazakhstan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Nasa Indonesia na si Jordan Clarkson upang lumahok sa 2018 Asian games para sa Pilipinas. Dumating ang NBA player habang kasalukuyang naglalaro ang team Pilipinas laban sa Kazakhstan.

Ayon naman sa lahat ng miyembro ng PBA Board of Governors, very humble at unassuming daw ang NBA star sa kabila ng nakamit na nitong kasikatan bilang isa sa mga player ng NBA. Kabilang si Clarkson sa Cleveland Cavaliers.

"Sobrang humble.Tsaka matagal ng gustong-gusto na maglaro para sa Pilipinas. Alam mong pusong Pinoy talaga," ayon kay PBA commisioner Willie Marcial.

Welcome daw ang nasabing NBA star sa team Pilipinas at ang madalas daw na kasama nito ay si Asi Taulava at Gabe Norwood.

Nagsalo-salo naman ang buong team kasama ang lahat ng staff ang Governors sa isang Japanese BBQ restaurant sa Jakarta.

Pagkatapos ay nagkaroon ng chance ang mga ito na makapag-pa-picture sa 6'5" na si Clarkson.

Napili ring flag bearer ng Pilipinas si Clarkson na isang pambihirang karangalan para sa mga pambansang atleta.

Nagpasalamat naman ito sa NBA at sa kaniyang team sa pag-payag ng mga ito na siya ay makalaro para sa bansang Pilipinas.

Nagpabatid na rin ng pasasalamat ang PBA sa NBA. Panigurado daw na magbibigay ng saya ang buong team ng Pilipinas.

Nauna ng naibalita ng KAMI, na pagkatapos ng mahabang proseso, pumayag na rin ang NBA na maglaro si Clarkson para sa PIlipinas.

POPULAR: Read more news about Jordan Clarkson here!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel