Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

- Ibinahagi ni Ogie Alcasid na natuklasan ng anak niy ang kasal kay Michelle van Eimeren

- Ayon sa singer composer, natuklasan niya ito dahil sa internet

- Balak sana nilang mag-asawa na ipaalam sa anak ang katotohanan pag malaki na siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pangkaraniwan ang setup ng pamilya ng singer songwriter na si Ogie Alcasid at asawa nitong si Regie Velasquez. Malapit sila sa dating asawa ni Ogie na si Michelle van Eimeren na ngayon ay may sariling pamilya na rin.

Sa katunayan ninang ng kanilang anim na taong gulang na anak na si Nate si Michelle.

Napag-alaman ng KAMI ang balita tungkol sa pagkatuklas ni Nate ng nakaraan ng kanyang ama at ninang Michelle niya sa PEP.

Nais sanang ipagpaliban muna ng mag-asawa ang pagsabi ng katotohanan tungkol sa nakaraan nina Ogie at Michelle sa anak. Nais sana nilang antayin na mas malaki na siya upang mas maintindihan niya.

Gayunpaman, hindi na naiwasang malaman ni Nate na kinasala sina Ogie at Michelle dahil sa internet.

“Ang nakakatawa nito, kasi siyempre si Nate pag nakikita niya yung Ate [Leila] niya, siyempre, ‘Ate ko, bakit hindi ko naman kamukha?’

Balak umano nilang sabihin kapag siya ay sampung taong gulang na.

“Di ba, parang siguro sa utak niya yun, di ba? So sabi niya… Kasi kami balak naming sabihin kay Nate, pag mga ten na siya. Yung para medyo maiintindihan niya.”

Kaya naman nabigla umano si Regine nang tanungin siya ni Nate tungkol dito.

“Sabi niya ba naman sa nanay niya, ‘Mommy, Dad was married to Ninang Michelle!

“Sabi niyang ganun! Si Regine, parang, ‘Ha?! How did you know?’

“‘I Googled it!’”

Tinanong din nila kung anong naramdaman niya sa natuklasan niya.

“'Tapos sabi namin, ’How do you feel?’ ‘I’m happy’, sabi niya, ‘It’s okay!’ Ganun-ganun.”

Ipinaalam din daw ni Ogie ang nangyari kay Michelle at nag-alala ito para sa bata.

“Siguro nakikita niya. 'Tapos sinabi ko kay Michelle sabi ko, ‘O, Nate knows already.’

“Sabi niya, ‘Oh no! Is he okay?’ Kasi iyon yung concern. ‘Yeah, he’s very happy!’

“At least hindi na namin kailangang sabihin pa sa kanya, Ginoogle niya, e.”

“Lahat naman ng bata ngayon, techie, e!”

Pinapayagan lang umano nilang makagamit ng iPad si Nate kapag weekends at sinisigurado nilang kid-friendly ang mga apps na nakalagay sa gadget na gamit ng anak.

Biniyayaan ng dalawang anak sina Michelle at Ogie. Sina Leila at Sarah.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel