Laughtrip! Umano'y nagmurang sekyu sa customer, sinabi lang daw niyang "Binyag na ako!"

Laughtrip! Umano'y nagmurang sekyu sa customer, sinabi lang daw niyang "Binyag na ako!"

- Viral ngayon sa social media ang alitan ng isang sekyu at customer sa pawnshop dahil minura daw umano ng gwardya ang customer

- Sa galit ng customer ay kinompronta nya ang sekyu na sumita sa kanya na huwag na raw muling suotin ang sombrero dahil bawal

- Ani ng customer, hindi raw siya bingi at dinig nitong minura siya, ngunit "Binyag na ako!" ang sinabi raw ni mamang sekyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang isang video ng alitan ng isang pawnshop security guard at ng isang lalaking customer na nagalit sa sekyu dahil minura raw siya. Bunsod naman ito nang pagbabawal ng sekyu sa customer na suotin ulit ang kanyang sombrero sa loob.

Nalaman ng KAMI ang tungkol sa kakatuwang engkwentro sa pagitan ng dalawa dahil pinost ang nasabing video ng isang netizen na nakasaksi sa pangyayari.

Sa isang pawnshop ng Cebuana Lhuillier sa Calamba, Laguna, ang nangyaring insidente. Kinunan ito ni Harvey Gardiano habang nasa gitna ng kainitan ng ulo ang sekyu at ang nasabing customer na naka-blue.

Ayon sa salaysay ni Gardiano, natawa siya nang marinig ang umano'y palusot ni manong sekyu. Paglalahad niya, sa dinami-rami ng pwedeng palusot ay "Binyag na ako" pa ang naisipan ng gwardiya.

Ito ang maririnig na sinabi ni manong dahil sa galit ng customer nang marinig niyang minura siya. Sinabi pa ng customer, "hindi ako bingi!"

Nagsialisan naman at nagsitayuan ang iba pang customers nang makita na umaambang bubunot ng baril ang sekyu.

Ayon sa netizens, mali raw ang ginawa ng sekyu na hindi pa nakikilala. Anila, dapat daw ay sibakin na siya sa pwesto.

Panoorin sa ibaba ang nasabing video:

Narito naman ang iba't ibang reaksyon ng netizens ukol sa pangyayari na natuwa at nabahala:

"Baka naman FYI lang na binyag na sya. Kayo naman.. hahahahaha"

"Loko nakahanap ka ng katapat mo. Tangalin nayan baka maka baril payan"

" dpt kz susunod tyo s rules. pinatupd lng ng sekyu yong rules ng management ky wag mgglit pg sinita. nktpt lng yong mybng n costumer ng my pplg s kny"

" Sinabi na kasing bawal tangina kung di kayo makasunod dun kayo sa Palawan express walay hasol walay kuskos balungos and hundred branches nationwide ano pa hinihintay? Lipat na!"

In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly). Is Cape Town the capital of Africa? Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more… – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel