Sikat na talaga si piskal! Netizen, ginawan pa ng kanta si '5-minute girl' na nagviral sa socmed

Sikat na talaga si piskal! Netizen, ginawan pa ng kanta si '5-minute girl' na nagviral sa socmed

- Dinaan ng isang netizen sa paggawa ng isang kanta ang pagbatikos sa piskal na nasangkot kamakailan viral video sa pakikipag-argumento di umano nito sa MMDA enforcers

- Sa tindi ng ingay na ginawa ng viral video, ginawan ng Parody ng blogger na si Vin Desucatan ang insidente para naman daw pagaanin ang sitwasyon na nakaapekto rin sa ilang netizens

- Di pa rin naawat ang ilang netizens na kinuwestiyon pa ang pagbubuntis ng piskal na nakilalang si Christine Estepa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!c

Matinding ingay ang ginawa kamakailan ng isang driver na napag-alamang piskal na nakipag-argumento sa mga MMDA enforcers sa isang traffic violation.

Humaba ang diskusyon na nauwi pa sa rebelasyon na buntis daw ang piskal at kalaunan ay ibibigay din naman ng asawa ang lisensya nito at natiketan din naman sila.

Maraming netizens ang tila naapektuhan sa napanood nilang video na binahagi ng Gadgetaddict kaya naman nag-viral ang naturang post. Umabot pa nga sa punto na kinuwestiyon ng ilang netizens ang umano'y pagbubuntis ng piskal na nauna nang naibahagi ng KAMI.

Nalaman ng KAMI na isang blogger ang gumawa pa ng kanta sa tono ng 'What's up' ng grupong '4 non blondes' upang kahit na paano ay pagaanin ang matinding tensyon na idinulot nito.

Dinaan ni Vic Desucatan ang simpleng pambabatikos niya sa viral video ni '5-minute girl' sa isang parody na tugmang tugma ang lyrics sa naganap na insidente.

Pinamagatang "MMDA 5 Minute Viral Girl Song," umabot na ito sa mahigit 2.5 million views sa kanyang facebook page.

Narito ang naturang video:

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang parody na ito. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"sana magkaroon ng SHOW na sarili ang MMDA sa TV tapos si Vic Desucatan ang gagawa ng Theme song. Ahhaha Manonood na ulit ako ng TV nyan hahah."

"Wala tlga sya modo.mababa tingin nila sa mmda.binigyan nga ng 5minutes para nd mhatak ng mmda ung saskyan.ingot tlga nkakhyblood..automatic un illegal parking ka NSA batas na nga eh ang itgas ng utak esti ulo pala.tas hinanap p ang 5 minutes paslmat ka binigyN ng motorist a ng 5minutes para may blaan kau.tas ngaun akla kng sino fiscal buwessssset....."

"Gurl bibigy mo lng ang license mo nkikipagtalo kpa,ikaw tong me violation ikaw pa galit!!!!kaloka tong babaeng toh..kala mo kung sino oh ano ka ngayon nag viral kpa...minsan kc matutong magpakumbaba wag paiiralin ang kayabangan!!!!!"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel