Ito raw ang dapat na gawin sa mga lalabag sa 'No Illegal Parking' na patakaran sa Pinas!

Ito raw ang dapat na gawin sa mga lalabag sa 'No Illegal Parking' na patakaran sa Pinas!

- Viral ngayon ang video sa China nang makunan sa akto ang pagpapatupad ng mga otoridad trapiko laban sa mga nag-illegal parking

- Makikita sa video na ang isang bus na hindi nagpark sa tamang lugar ay pinaghahampas ang sasakyan hanggang mabasag pati ang mga salaming bintana

- Hati naman ang opinyon ng netizens ukol dito, merong mga 'agree' a meron di namang mga nag-'disagree' sa kung dapat ba itong ipatupad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok ngayon sa social media ang video ng Chinese traffic enforcers kung paano nila ipinatutupad ang kanilang masakit sa kalooban, ngunit matapang na pagpapatupad ng 'No Illegal Parking' na alituntunin.

Nalaman ng KAMI na mayroon mas mahigpit at mas grabe kung magpatupad ng batas-trapiko sa MMDA. Ang China ay isa na pala rito.

Tampok ang nasabing video na nagpapakita kung paano pinapangaralan ang drayber or tsuper ng isang bus na "illegally parked" umano, ayon sa netizens.

Ang naging ulat ng Manila Liverwire ay talagang nakapagpawindang sa netizens. Pinaghahampas ng baseball bat ng traffic enforcers ang bus, na pati ang mga salamin ng bintana nito ay hindi pinatawad.

Ayon sa ibang netizens, ito raw ang nararapat na gawin sa lahat ng mga sasakyang hindi matinong magpark o mga ilegal ang pag-garahe.

Sabi naman ng ilan, hindi raw ito 'makatao', sapagkat ay paglabag na raw ito ng pamahalaan sa karapatang pribado ng mga indibidwal.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

" MALAKING GULO YAN PAG GANIOH SA PINAS HAHAHA ONLY IN CHINA KASI MAGALING ANG BATAS NILA EH"

"Dapat bigyan ng sample ang mga matitigas ang ulo sa maling pag park ng sasakyan,sirain ang salamin...hahaha tawa k9 lang dito.9"

"Di ako pabor sa ganyan, tanggalan na lang ng license!"

"Kaya umasenso ang China Mas mahirap nga sila sa pinas noon eh"

" sigurado magkakamatayan na pag ginawa nila yan...."

Panoorin ang nasabing video sa ibaba:

In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly). Is Cape Town the capital of Africa? Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more… – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel