Ang galing naman! Anak nila Hayden Kho at Vicky Belo na si Scarlet Snow Belo, nag-bisaya

Ang galing naman! Anak nila Hayden Kho at Vicky Belo na si Scarlet Snow Belo, nag-bisaya

-Sa isang video post ni Dra. Vicky Belo sa kaniyang IG account, mapapanood ang kaniyang cute at sosyal na baby na si Scarlet Snow na nagsasalita ng bisaya at tagalog

-Sa video makikitang kausap ni Scarlet Belo ang isang bata at ang mga yaya ng mga ito, na halatang tuwang-tuwa sa ipinamalas ng bata

-Kilala si Scarlet na Englisg speaking child at madalas makita ang pagkabibo nito sa mga post ng kaniyang magulang na si Hayden Kho at Vicky Belo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Cute na cute si Scarlet Snow Belo sa pagbibisaya sa isang video na pinost ng kaniyang ina na si Dra. Vicky Belo sa Instagram account nito. Makikita sa video kung paano magsalita si Scarlet ng Tagalog habang kausap ang isang bata. Maya-maya ay narinig na ang game na game na pagbi-Bisaya nito.

"Namit gid." Sinabi ni Scarlet sa video na ang ibig sabihin ay "Masarap".

Ayon naman sa babaeng nasa video, bini-bisaya diumano nila si Scarlet kung kaya pamilyar na ang famous child nila Hayden at Vicky.

Maraming netizens ang natuwa kay Scarlet. Narito ang ilang mga comments ng fans sa video nito:

@marigracegray: "Galing naman ni scarlet at friend niya cute slang"

@kitchiebSuch: "intelligence! Linguist pa yata"

@primelights83: "Bisaya kana dhai Scarlet"

@iamksaz: "mukhang may smooth ang pagkakabigkas nya ng bisaya kaysa tagalog..hahaha"

@iloveuligaya: "Yeah that’s right! Nice upbringing at least she knows and appreciate the vernacular... and she will love it... Learning English is ok but from the Mother tongue the Filipino wika should be on top of it.#GOODJOB Scarlet! God Bless You!"

Sa iba pang balita ng KAMI, na-amaze ang mga netizens sa galing ni Scarlet Snow Belo sa panunumpa sa watawat ng Pilipinas.

Si Scarlet Snow ay anak ng celebrity couple na sila Hayden Kho at Vicky Belo.

Inamin naman ng mag-asawa na ang famous child ay hindi anak ni Vicky Belo kundi bunga ng surrogacy sa pamamagitan ng in-vitro fertilization. Ang surrogate mom ni Scarlet ay isang Mexican-American.

Bininyagan si Scarlet noong July 2015 at isa sa mga ninang ay si Anne Curtis at isa naman sa mga ninong ay ang TV5 Chairman, Manny Pangilinan.

POPULAR: Read more news about Hayden Kho here!

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!

Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!

Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel