Patay ang 4 na buwang sanggol nang umano'y ihagis ng lasing na ama dahil sa malakas na iyak

Patay ang 4 na buwang sanggol nang umano'y ihagis ng lasing na ama dahil sa malakas na iyak

- Nasawi ang isang 4-month-old na sanggol matapos itong umanong itilapon ng ama dahil napagdiskitahan niya raw ang bata

- Nangyari ang insidente sa Negros Occidental matapos umuwing lasing si Marjohn Cusay galit siya sa kakulangan ng bayad sa idineliver niyang kawayan

- Sa galit niya ay hinagis niya ito sa kinakasama at tumama ang ulo ng bata sa haligi ng kawayang pintuan at nahulog pa sa sahig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Himas rehas ngayon si Marjohn Cusay matapos niya umanong ihagis ang 4 na buwang gulang na anak na babae sa kanyang live-in partner sa Silay, Negros Occidental. Nadal raw siya sa init ng ulo at bukod pa rito ay nalasing pa siya.

Nalaman ng KAMI ang malagim na balita matapos itong kumalat sa iba't ibang pahayagan sa bansa. Aminado naman ang ama sa kanyang nagawa.

Ayon sa salaysay kinakasama ni Marjohn Cusay, umuwi raw itong lasing na lasing at mainit ang ulo dahil sa kulang na pabayad sa kanyan ng buyer ng mga kawayan na kanyang idineliver.

At dahil sa napakalakas na iyak daw ng bata ay napagdiskitahan niya ito at inihagis sa kinakasama.

Sa lakas nang pagkakahagis ay tumama raw sa haligi ng bahay ang ulo ng bata at nahulog pa raw ito sa sahig kaya tuluyang nasawi.

Bagsak ngayon si Marjohn sa kulungan, ngunit ayon sa kanya ay agad naman daw niyang pinagsisisihan ang nagawa at humingi pa ito ng patawad sa mga kaanak na naiwan ng bata.

Panoorin ang bahaging report mula sa GMA News:

In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly). Is Cape Town the capital of Africa? Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more… – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel