5-minute rule ng MMDA patungkol sa 'illegal parking', pinaliwanag

5-minute rule ng MMDA patungkol sa 'illegal parking', pinaliwanag

- Gumawa ng ingay ang nakunang video ng pagtatalo ng isang piskal at MMDA enforcers patungkol sa illegal parking at sa '5-minute rule' ng pag-tow ng sasakyan

- Pinaliwanag ng MMDA Task Force ang patakaran ng kontrobersyal na '5-minute' na ito upang di na rin magulo ang iba pang motorista

- Binigyang diin ang dalawang uri ng paghuli, ang may driver at walang driver na sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng paliwanag si MMDA Task Force Special Operations Commander Bong Nebrija patungkol sa naging kontrobersyal na 5-minute rule ng pagtotow ng mga sasakyang illegal parking.

Binigyang diin din ng MMDA Ang dalawang uri ng panghuhuli, ang may driver na sasakyan at walang driver na sasakyan.

Nararapat lamang na malaman ito ng mga motorista upang di na humantong pa ang usapan gaya nang nangyaring kaguluhan sa pagitan ng piskal at mga MMDA enforcers na nauna nang naibalita ng KAMI.

Narito ang mga patakarang nakalap ng KAMI mula sa ulat ng GMA news.

1. Kung wala ang driver sa sasakyan na ilegal ang parada, papasok na rito ang 5-minute rule.

2. Ipatatawag ang tsuper o may-ari ng sasakyan at sa loob ng 5 minuto, dapat makarating ang driver sa sasakyan upang maiparada ito ng maayos o maialis.

3. Kung matapos ang 5 minuto at wala pa rin ang driver, hahatakin o ito-tow na ang sasakyan at kalaunan ay titiketan na ang tsuper.

4. Sa pagkakataon namang pasok sa 5 minuto ang pagdating ngdriver, di na hahatakin anag sasakyan ngunit titiketan pa rin ito.

5. Kung nasa loob naman ang tsuper, titiketan pa rin siya at paalisin o ipaayos ang pagkakaparada

6. Dapat ding isaisip na ang illegal parking ay paglabag umano sa batas trapiko kaya ang mga lalabag dito at titiketan at dapat lmang na ipakita ang lisensya. Bukod kasi sa pagkuha ng pangalan na siyang ilalagay sa tiket ng driver, dapat masiguro na lisensyado talaga ito.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica