Sikat na singer na si Aretha Franklin, pumanaw na sa edad na 76

Sikat na singer na si Aretha Franklin, pumanaw na sa edad na 76

-Pumanaw na ang beteranang singer na si Aretha Franklin dahil sa cancer, matapos ang matagal na pakikipaglaban nito sa sakit.

-Maraming kantang inawit si Franklin, ang tumatak sa marami, kabilang na ang "Respect", "Chain of fools" at "Natural woman"

-Ayon sa publisher nito, namatay ang singer sa edad na 76 sa bahay nito sa Detroit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Pumanaw na ang batikang singer na si Aretha Franklin sa edad na 76, ayon sa statement ng pamilya nito, nitong Huwebes. Namatay ang singer dahil sa sakit na pancreatic cancer, ayon mismo sa kaniyang oncologist na si Dr. Philip Phillips ng Karmanos Cancer Institute in Detroit.

Bumuhos naman ang luha at pag-alala sa pagkawala ni Franklin, kabilang sa mga nagpabatid ng kaniyang pakikiramay ay ang dating pangulo ng Amerika na si Barack Obama.

"Aretha helped define the American experience, in her voice, we could feel our history, all of it and in every shade -- our power and our pain, our darkness and our light, our quest for redemption and our hard-won respect. May the Queen of Soul rest in eternal peace." ayon sa statement ni Obama sa kaniyang twitter account.

Narito naman ang post ni Obama sa kaniyang Instagram account:

Maraming fans na din ang pumunta at nag-alay ng bulaklak para sa binansagang "Queen of Soul" sa kaniyang Hollywood walk of fame star sa Los Angeles.

Mayroong apat na anak na lalaki si Aretha Franklin at dalawang beses na na-divorce. Isinilang niya ang kaniyang unang anak ng siya ay 15 taon lamang at ang pangalawang anak naman niya ay noong siya ay 17 taon.

Kabilang sa mga kantang pinasikat niya ay ang "Respect", Chain of fools" at "Natural woman. Nauna muna itong nakilala bilang isang gospel singer.

Si Franklin di ang kanuna-unahang babaeng singer na napabilang sa Rock and roll hall of fame noong 1987. Ang singer ay nagkaroon ng 25 gold records at 18 Grammy awards.

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!

Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!

Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel