Batang ipinanganak na walang mga kamay, tutuparin ang pangarap na maging engineer

Batang ipinanganak na walang mga kamay, tutuparin ang pangarap na maging engineer

- Hindi hadlang para kay Niño Dayon ang kanyang kapansanan sa mataas na pangarap na maging isang inhinyero na kanyang gustong tuparin

- Ayon sa kanyang ina, masipag at matulungin daw sa bahay si ang anak, kung kaya naman ay isa syang huwarang bata

- Aktibo rin ito sa paaralan at higit sa lahat ay hilig niya raw na magkumpuni ng mga sirang kagamitan sa kusina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi alintana ni Niño Dayon ang kayang kapansanan o kakulangan sa kakayahang makagawa ng mga gawain gamit ang dalawang kamay. Sa halip na magmukmok, ay mas lalo pa itong determinado na harapin ang kanyang buhay na puno ng potensyal.

Viral: Batang ipinanganak na walang mga kamay, tutuparin ang pangarap na maging engineer

Courtesy: ABS-CBN News

Nalaman ng KAMI ang tungkol sa kwento nya matapos itong maging viral sa social media dahil sa nakakaantig na kwento ng kanyang buhay, mula sa Barangay Locotan sa Kabankalan, Negros Occidental.

Ipinanganak na walang mga kamay si Dayon, ngunit mabuti na lang ay mayroon itong dalawang malalakas na paa na ngayon ay tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga bagay.

Ayon sa pamilya ni Niño, hilig daw nito na magmartilyo, pagsibak ng kahoy, at paglalagari. Maraming kapitbahay nila ang humahanga sa kanyang kakayahan.

Pagdating naman sa pag-aaral, hindi nakapagtataka na isa siyang honor student sa ikatlong baitang. Ginagamit niya ang dalawang mga paa upang makapagsulat sa papel.

Dagdag pa ng kanyang inang si Michelle, nagpapasalamat siya dahil napakamatulungin na bata ni Niño.

Bukod pa sa kanyang kakayanan na magkumpuni ng mga sirang gamit sa kusina, inaasam niya rin na mas palawakin pa ang potensyal dahil pangarap niya na maging isang matagumpay na inhinyero o engineer balang-araw.

Viral: Batang ipinanganak na walang mga kamay, tutuparin ang pangarap na maging engineer

Courtesy: ABS-CBN News

In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly). Is Cape Town the capital of Africa? Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more… – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel