Lalong yumayaman! Kris Bernal, nag-launch ng bago niyang bonggang negosyo sa Quezon City

Lalong yumayaman! Kris Bernal, nag-launch ng bago niyang bonggang negosyo sa Quezon City

- Nagsagawa ng press interview si Kris Bernal sa pagbukas ng kanyang bagong restaurant

- Ang House of Gogi ay isang unli-Korean barbecue grill

- Masaya ang aktres na makasama ang non-showbiz boyfriend sa kanyang bagong negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kris Bernal, sinalubong ang mga press sa pagbukas ng kanyang bagong negosyo.

Ayon sa balita ng GMA Network, ang Kapuso aktres ay nagsagawa ng isang press interview para sa bago niyang restaurant na House of Gogi sa Banawe, Quezon City.

Lalong yumayaman! Kris Bernal, nag-launch ng bago niyang bonggang negosyo sa Quezon City

Photo by Michael Paunlagui from GMA Network

Ang House of Gogi ay isang unli-Korean barbecue grill kaya naman unli rin ang sikat na sikat na samgyupsal dito. Ipinakita rin ng aktres ang tamang pamamamaraan kung paano kumain ng samgyupsal.

Lalong yumayaman! Kris Bernal, nag-launch ng bago niyang bonggang negosyo sa Quezon City

Photo by Michael Paunlagui from GMA Network

Sa isang panayam ng GMA Network, sinabi ni Kris na masaya siyang makasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Chef Perry Choi sa kanyang negosyo.

“'Yung chef ko. The chef of House of Gogi is my non-showbiz boyfriend. he's also my supplier pagdating sa meat, pagdating sa raw materials, sa cheese. Kasi they have this family business that supplies all kinds of meat, cheese, dairy and all. In short, medyo matipid ang costing ko,", ani ng aktres.

Inamin naman ng aktres na masaya siya sa kanilang relasyon ngayon, lalo na ang impluwensya sa kanya ni Chef Perry.

"Malaking tulong 'yung boyfriend ko in a way that he's mature more than me. He's the one more dominating and directing the relationship. Mas gina-guide niya ako du'n sa aspect of doing business. Na ganito 'yung gawin ko, 'yung savings mo i-invest mo sa magandang bagay. But in terms sa support ng money, wala. That I can say, may sari-sarili kami.", ayon sa aktres.

Noong 2016 ay nagbukas din ang burger joint ng aktres na Meat Kris. Ito ay matatagpuan sa CommunEATy Roces, 120 Don A. Roces Avenue Barangay Obrero, Quezon City.

Bukod sa kanyang bagong negosyo ay napagusapan din ang kanyang bahay sa California. Sa dating post ng KAMI, ipinakita ni Kris ang kanyang malaki at napakagandang bahay sa California.

“I still couldn’t believe that we already have our own home here in America.”, sabi ni Kris.

Kahit na dumarami ang kanyang mga negosyo, patuloy pa rin ang kanyang pag-arte. Siya ay mapapanood sa nalalapit niyang teleserye kasama si Thea Tolentino.

POPULAR: Read more about Kris Bernal here!

In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly). Is Cape Town the capital of Africa? Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more… – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel