Kian Loyd delos Santos, madalas daw magparamdam sa kanyang pamilya

Kian Loyd delos Santos, madalas daw magparamdam sa kanyang pamilya

- Ginunita ang unang anibersaryo ng pagkamatay ni si Kian Loyd delos Santos, ang binatilyo namatay sa ilalim dahil sa war-ondrugs

- Madalas pa rin daw magparamdam ang binatilyo sa kanilang pamilya

- Umaasa ang pamilya ni Kian na masentensyahan ang mga pulis ng panh-habambuhay na pagkabilanggo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agosto 16, ginunita ang unang anibersaryo ng pagkamatay ni Kian Loyd Delos Santos na di umano ay naging biktima ng extrajudicial killings sa bansa.

Bumaha ng bulaklak, kandila at dasal ang mga kaanak at kaibigan ni Kian bilang pag-alala sa yumaong binatilyo.

Nalaman ng KAMI na naikwento ng kapatid ni Kian na tila ba ay nagpaparamdam pa rin ito sa kanya.

Sa panayam kay Krisha Delos Santos ng ABS-CBN, na-ikwento nito na may naririnig silang dabog ng paa sa kanilang hagdan.

"Kasi po pag bumaba yan ng hagdan, kala mo tinatakbo niya yung hagdan namin"

Huwebes din nang muling magkaroon ng hearing para sa kaso ni Kian na kinasasangkutan ng ilang mga pulis.

Di nakadalo ng tribute at hearing ang ina ni Kian na namamahinga pa mula sa pagkaka-opera ng bukol sa dibdib.

Nasa ilalam pa rin ng witness protectio program ang mga magulang ni Kian. Hindi pa rin mapanatag ang loob ng kanilang pamilya at kaanak hangga't hindi pa natatapos ang kaso.

Umaasa ang kampo nila na habambuhay na pagkakakulong ang sentensya ng mga pulis na gumawa raw nito sa binatilyo.

Ayon kasi sa mga salaysay ng witness, hindi naiputok ang na-recover na baril mula kay Kian taliwas sa pahayag ng batikang firearms examiner mula sa NPD crime lab na nag-match ang basyo ng bala sa baril na hawak ni Kian ng araw ng krimen.

Samantala, iminungkahi ni Senator Rissa Hontiveros na gawing "National day of mourning' ang Agosto 16, bilang pag-aalala sa lahat ng namatay sa extrajudicial killings.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel