Nakakatakot! Chinese aircraft nag crash-land sa NAIA kaya pansamantalang isinara ang airport

Nakakatakot! Chinese aircraft nag crash-land sa NAIA kaya pansamantalang isinara ang airport

-Pansamantalang isasara ang NAIA ngayong Biyernes dahil sa hindi inaasahang pangyayari, isang Chinese aircraft ang nag-landing sa airport kagabi

-Ang Xiamen Air flight MF 8667 ay di-inaasahang nag- crash landing sa NAIA kagabi, 11:55 pm, dahil sa malakas na pag-ulan

-Ang lahat naman ng pasahero at crew nito ay ligtas at dinala sa Terminal 1 ng NAIA kung saan sila ay inasikaso ng staff ng nasabing airport.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News feed!

Kagabi, August 16, 2018, araw ng Huwebes, isang Chinese aircraft na may pangalang Xiamen Air flight MF 8667, ang biglang nag-landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) runway. Dahilan upang isara ang NAIA international runway, ngayon hanggang mamayang alas-dose ng tanghali.

Ang lahat naman ng 157 na pasahero at crew nito ay ligtas ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), na siyang namamahala sa nasabing airport.

"Investigators from the CAAP Aircraft Accident Investigating Bureau is already on site to determine the cause of the accident," Ayon pa sa MIAA.

Ayon naman sa website na @AirportWebcams na siyang nagmo-monitor sa mga flights sa buong mundo: "the craft (Xiamen Air flight MF 8667) appears to have suffered a runway excursion on landing after a period of holding and a missed approach."

Gayunpaman, ilang flights ng Cebu Pacific ang apektado dahil dito:

-5J 272 Manila-Hong Kong

-5J 929 Manila-Bangkok

-5J 5054 Manila-Narita

-5J 110 Manila-Hong Kong

Habang ang ilan namang inbound flights nito ay malilihis sa Clark International Airport:

-5J 804 Singapore-Manila

-5J 187 Incheon-Manila

"The closure of the main NAIA runway will affect operations of our large wide-body aircraft. Our operations will be disrupted today and may cause severe delay of other flights," pahayag ng Cebu Pacific ngayong Biyernes.

Do you know how to translate a Tagalog word Baka into English? And more, and more, and more…In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team (laughs evilly) -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Regine Velasquez, umaming mayabang siya noon

Regine Velasquez, umaming mayabang siya noon

Regine Velasquez, umaming mayabang siya noon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel