Kris Aquino, pinatulan ang hamon ng isang basher

Kris Aquino, pinatulan ang hamon ng isang basher

-Matapos lamang ang red carpet premiere ng hollywood movie na "Crazy rich Asians", na kinabibilangan ni Kris Aquino, kabi-kabilang puna naman ang tinamo nito sa mga bashers, matapos ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Marikina

-Matapang namang sinagot ng "Queen of all Media" ang hamon ng isang basher na nagsabing publicity stunt lamang ang kaniyang pagtulong

-Kilala ang actress-host sa pagsagot sa mga bashers sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maanghang ang naging sagot ni Kris Aquino sa isang basher (@thesunsetsunrise) na nagsabing isang publicity stunt lamang ang paghahatid niya ng tulong sa mga nasalanta ng masamang panahon sa Marikina.

Nauna ng ibinalita ng KAMI, ang paghahatid ng tulong ni Kris sa H. Bautista Elementary School kaagapay si Congressman Miro Quimbo na nagsabing wala umanong kasamang press si Aquino ng dumating para tumulong sa siyudad.

Narito ang nasabing negative comment ng netizen na si @thesunsetsunrise:

"The great example of Humanitarian is Mother Teresa.Ano yan publicity Stunt? @krisaquino takbo k na lang mayor ng QC. Post k ng post ng pagtulong mo.Ano Kaya yun. Gayahin mo na lang ang buhay ni Mother Teresa og Kolkata."

Narito naman ang naging sagot ng Queen of all Media:

You may just get what you asked for. Do the political math – in a crowded field of candidates, name recognition will matter. Kung campaign funds ang labanan – di rin naman ako magpapahuli – wala akong utang kaya kakayanin kong pondohan ang sarili ko. And an important plus for me – I have 32 years of BIR tax records that can prove how trustworthy I am about money dahil alam ko na ang pera ng bayan para sa bayan."

“Kung trip nyo kong bwisitin – you may get your worst nightmare come to life. ‘Yan ang problema – ‘yung kusang tumutulong hinuhusgahan. ‘Yung mga naka posisyon na nagkulang ngayon naghahanap ng pwedeng ma-bully. You are messing with the wrong woman. Our family is used to battling and slaying giants. So it would serve your personal interests to let me be – because you don’t want to mess with a warrior at rest. Because she can so very easily become the victorious David to your pitiful Goliath,” dagdag pa ni Kris.

Ayon pa kay Kris, kaya niyang hamunin ang lahat ng kandidato na maglabasan sila ng SALN, dahil ayon sa kaniya, tungkulin niya bilang mamamayan ng bansa, ang pera ng bayan ay para sa bayan.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino!

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. So… What about you? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel