Dating kargador ng isda sa Palawan, call center agent na ngayon sa Maynila

Dating kargador ng isda sa Palawan, call center agent na ngayon sa Maynila

- Binahagi ni Pol Garcia ang kanyang pinagdaanan bago mauwi sa trabaho may maayos na sahod

- Iba't ibang trabaho ang pinasok ni Pol hanggang sa naglakas loob siyang mag-apply sa call center

- Aminado siyang makailang beses siyang bumagsak sa iba't ibang inapplyan hanggang sa mapasok siya sa isang kumpanya na naniwala sa kanyang kakayahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matiyaga sa kung anuman ang ating gawain. Dito man o maging sa ibang bansa, kilala ang mga Pinoy sa maayos sa kanilang trabaho.

Gaya ni Pol Garcia na nagbahagi ng kanyang karanasan sa paghahanap ng trabaho makatutulong talaga sa kanya.

Nagsimula siya bilang kargador ng isda sa Palawan. Ngunit may mga pangarap si Pol kaya naman naisipan niyang maghanap ng ibang pagkakakitaan.

Naranasan niyang maglako sa kalsada ng ice scramble, pasukin ang networking na di naman daw stable ang kita. Naging promo boy siya ng mga appliancea at mga gadgets.

Hanggang sa naglakas loob siyang mag-apply sa mga call centers. Aminado siya na di ito naging madali lalo pa at makailang beses siyang bumagsak.

Pero di sumuko si Pol at pinag-ibayo pa niya ang kanyang kakayahan hanggang sa tuluyan na siyang natanggap sa call center na naniwala sa kanyang kakayahan.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:

Ako ay graduate lang ng two-year computer vocational course.

Una kong naging trabaho ay kargador ng isda sa palawan noong 2008. Bumibili yung amo ko ng isda tapos kami yung tiga buhat at nagkikilo.

2010 sumali ako sa networking, yung nagbebenta benta ng products. Nagbayad pa nga ako ng P2,000 na membership fee pero nung first month nabawi ko naman yung P2,000 tapos yung sumunod na month ay kumita ako ng P5,000 tapos hindi stable.

After mong mabentahan lahat ng kakilala mo at utuin sila para sumali hanggang dun na lang yun.

Tapos 2011 ay naglako ako ng ice scramble sa kalsada, naka bike yun tapos sa sidecar nandun ung paninda at sa hapon ay nirremit ko ang pera sa may ari.

Tapos 2012 nag apply ako sa mall. Natanggap ako bilang promoter ng appliances. Dun kumikita nmn ako ng P10,000 a month. Pag may customer ihahatid mo pa sa parking lot hanggang sa makasakay. Mahirap at medyo kapos ang sahod.

Then 2013 naman nag promoter ako ng cellphone parang sa oppo, vivo at samsung ganun.

By 2016 nag start na akong mag apply sa Manila kasi may anak na ako at kulang ang P10,000 gatas pa lang.

Nagbabasa basa ako ng mga post na hiring, lagi kong pinipili nun yung mga malalaki ang offer. Yung mga unang apply ko laging bagsak. Sa VXI, Telus, Concentrix, Sykes at Sitel. Asa pa ko.

Medyo magastos kasi paluwas luwas ako ng Manila tiga Nueva Ecija pa kasi ako pero determinado talaga akong mag step up kaya nag apply lang ako ng nag apply.

Tapos nag apply ako sa Alorica na nung una hindi ko pinapansin kasi parang ang cheap ng pangalan tapos puro reklamo ng employee yung mga nababasa ko pero hindi ko alam na doon pala magsisimula yung career ko.

Nag start ako sa P18,000 na offer. Tapos sympre newbie wala akong kaalam alam, ang ginawa ko nakinig lang akong mabuti sa training.

Tapos after a month yung mga kawave ko mnmeet nung mga nag refer sa kanila at binibigyan ng P2,500 tapos ako naka nganga lang kasi walang nag refer sa’kin nun eh.

After sa Alorica nag try nmn ako sa Outbound Call Center. Sabi nila malaki daw ang kitaan. Okay sige sinubukan ko. Medyo mahirap kasi kami yung tumatawag sa customer lagi kaming pinag babagsakan ng telepono tapos yung contact namin paulit ulit na lang.

2017 Nag apply ako sa company na may T-mobile okay ang account na napuntahan ko, although medyo challenging kasi queueing. Ibig sabihin nun after ng 10 minutes na call mo. May papasok ulit na kasunod. Pero okay lang kasi mabilis ang oras at dito lang ako kumita ng P30,000 every month.

Sa una talaga mahirap kasi para siyang GLOBE dito sa Pilipinas pero natutunan ko din na yung mga Amerikano pala kunwari lang na galit kasi ang totoo kailangan lang nila ng palugid sa due date nila.

Parang tayo, pag hindi nakabayad ng kuryente mapuputulan tayo tapos tayo pa yung galit minsan.

Pero kung tatanungin ako kung ano ang mahirap? Mas mahirap ang mag apply kesa mag trabaho.

Exciting din at twice a month may hinihintay kang sweldo pambili ng mga kailangan at gusto mo.

Nanggaling din ako sa pagiging newbie two years ago kaya alam ko lahat ng pinagdadaanan ninyo.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel