Famous vlogger Wil Dasovich, binulaga ang nobyang si Alodia Gosiengfiao

Famous vlogger Wil Dasovich, binulaga ang nobyang si Alodia Gosiengfiao

-Nag-post si Wil Dasovich ng video nila ng nobyang si Alodia Gosiengfiao sa isa sa kaniyang social media account

-Ang nasabing video ay isa palang sorpresa para sa anniversary nila bilang mag-nobyo

-Parehong sikat na social media influencer ang dalawa, si Wil ay isang vlogger at minsan na ring nag-appear sa TV samantalang si Alodia naman ay nakilala sa pagiging cosplayer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-post ang sikat na social media influencer na si Wil Dasovich sa kaniyang twitter account kamakailang lang, ng video nila ng nobyang si Alodia Gosiengfiao na isa ring sikat na influencer sa bansa.

Sa nasabing video, ipinakita ni Wil ang masasayang experiences nila ng nobya, habang ibinibigay niya ang kaniyang mensahe para sa dalaga sa pamamagitan ng kaniyang voice over.

“After facing one of the hardest challenges of my life… for my life. It has been a long difficult journey this past year. But at the same time, it happened to be the best year for one particular reason, meeting you.” Pahayag ito ni Wil sa nasabing video.

Noong nakaraang taon, na-diagnose si Wil na mayroong stage 3 colon cancer. At nitong January 2018, idineklarang cancer free na ang binata.

Ayon sa famous vlogger, isa ang nobyang si Alodia sa mga taong naging mahalaga ang parte sa kaniyang pinagdaanan.

"She was there for everything, for me. She’s a very busy girl. She makes a healthy amount of money and she loves what she’s doing, but she really dropped most of everything and she spent the majority of the last 6 months here with me, taking care of me through chemotherapy," sabi niya sa isang interview niya sa ANC.

Isang Filipino-American si Wil Lising Dasovich na ipinanganak noong August 29, 1991 sa California USA.

Unang nakilala ang binata sa pagiging model at sumikat bilang isang vlogger sa sikat na social media website, Youtube. Matatandaang nakilala rin ito ng mag-appear ito sa reality show ng ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother.

Sa iba pang balita ng KAMI, sikat na hollywood actor na si Zac Efron, naging tiga-kuha lang ng daw ng picture nila Wil at Alodia?

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | -on HumanMeter on KAMI Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Fab pairs! 5 Popular celebrities sa 'Preview's Best Dressed Pairs of 2018'

Fab pairs! 5 Popular celebrities sa 'Preview's Best Dressed Pairs of 2018'

Fab pairs! 5 Popular celebrities sa 'Preview's Best Dressed Pairs of 2018'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel