Mag-asawang sakay ng natiketang kotse, minura at dinuraan pa daw ang naghuling bantay bayan

Mag-asawang sakay ng natiketang kotse, minura at dinuraan pa daw ang naghuling bantay bayan

- Nahuli ang dalawang sasakyan dahil sa di umanong patuloy na andar nito kahit pa red light na

- Nauwi sa sakitan at gulo ang panghuhuli ng mga bantay bayan sa mga sasakyan dahil sa paglabas ng mga may-ari nito na minura at dinuraan pa raw ang mga tanod

- Bilang depensa, lumabas pa raw ang mga bodyguards ng may-ari ng kotse at sinuntok ang mga tanod na gumanti naman sa pamamalo ng ulo ng isa sa mga bodyguards

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa cctv ng Edsa Magallanes ang di umano'y alitan ng may-ari ng nahuling sasakyan at mga bantay bayan na nanghuli rito.

Nalaman ng KAMI na diretso pa rin ang andar ng dalawang sasakyan kahit pa red light na at dapat nang huminto ng sasakyan.

Ito ang naging dahilan para matiketan ang mga sasakyan ngunit nauwi ito sa di pagkakaunawaan.

Gaya ng naunang report ng KAMI, naging arogante at 'bastos' na raw ang mag-asawang sakay ng kotse na minura di umano ang mga bantay bayan at nakuha pang duraan daw ang mga tanod.

Nang tila lumala na ang sitwasyon, bumaba ang mga bodyguards ng mag-asawa at pinagsusuntok pa raw ang mga tanod na nakaganti naman sa pagpalo ng batuta sa ulo ng isang bodyguard.

Nabigyan ng awtoridad ang mga bantay bayan na kapangyarihang manghuli ng mga lalabag sa batas trapiko.

Tumangging magbigay ng pahayag ang grupo na kasama ng mag-asawang lulan ng kotse.

Nagsampa na ng kaso ang magkabilang kampo at naipa-blotter na nila ang insidente sa pulisya.

! The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge.KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Assunta de Rossi naging leading men ang mag-amang Bong at Luigi Revilla

Assunta de Rossi naging leading men ang mag-amang Bong at Luigi Revilla

Assunta de Rossi naging leading men ang mag-amang Bong at Luigi Revilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel