Buntis na prosecutor na nakipag-argumento sa MMDA enforcers, maaring ma-disbar at mawalan ng lisensya

Buntis na prosecutor na nakipag-argumento sa MMDA enforcers, maaring ma-disbar at mawalan ng lisensya

- Naglabas na ng pahayag ang MMDA patungkol sa aksyon na kanilang gagawin sa fiscal na nakipag-argumento di umano sa mga enforcers

- Di palalampasin ng MMDA ang kontrobersiya na kinasangkutan ni Christine Estepa na naglabas na rin ng public apology kahapon

- May posibilidad daw na ma-disbar si Estepa at mawalan ng lisensya dahilan sa mga kasong ihahain sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa press conference ng Metro Manila development authority noong Agosto 15, pormal na hinayag ang identity ng babaeng driver sa kontrobersyal na '5-minutes/ towing" video na nakilala nilang si Christine Estepa.

Inanunsyo mismo ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang mag-asawang Estepa ay nagtatrabaho sa Department of Justice at nasabi ni Secretary Menardo Guevarra na gagawa sila ng karampatang aksyon sa ginawa ng kanilang mga empleyado.

“Nalaman namin yung trabaho niya kung saan, so we write Secretary Menardo Guevarra, pinayagan naman niya akong magsalita.. nagkausap kami kaninang umaga at sabi nila i forward namin yung letter sa kanya and they will take action,” ani Garcia.

“Sana maging aral na po ito sa atin, simple traffic violation lang po wag na po tayong makipag away, bigay niyo lang po yung lisensya niyo bibigyan kayo ng ticket tapos na,” dagdag pa ni Garcia.

Ang legal team ng MMDA ay nag-file na rin ng complaint laban kay Christine Estepa at sa asawa nito.

Haharap ag mag-asawa sa kasong direct assault sa mga MMDA enforcers. Pinag-aralan pa ng MMDA ang ibang mga kasong maari pang isampa sa mag-asawa.

“Based on the testimony of our traffic enforcers, the MMDA service vehicle was damaged, nung tinangkang tumakas nitong si Prosecutor Estepa, and at the same time muntik na pong masagasan ang ating mga traffic enforcer,” ayon sa MMDA legal team.

Ayon pa sa legal team, criminal case daw ang nagawa ng prosecutor kaya nangangahulugan na maari silang makulong dahil dito.

“She’s a lawyer there’s also a possibility that we can also file a case for disbarment before the Integrated Bar of the Philippines,” dagdag ng legal team.

Bukod pa dito, maari ding masuspende ang driver's license ng mag-asawa dahil sa rekomendasyon na pinadala ng MMDA sa LTO.

Ayon pa kay Garcia, tama lang ng pinakawalan na ni MMDA Special Operations Commander Edison Bong Nebrija ng mag-asawa at ito raw ang tinatawag na serbisyong may puso.

Maliban sa kasong isasampa ng MMDA, maari ring magsampa ng kaso ang mga enforcers na personal na tinakot ng mister ni Christine Estepa.

Samantala, ilang oras matapos maipalabas ang pahayag ng MMDA, nilabas na rin ang public apology video ng mag-asawang Estepa na una nang naibalita ng KAMI.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel