Duterte, nangakong magbibitiw na kung mapatunayang si Marcos ang tunay na VP, at hindi si Robredo

Duterte, nangakong magbibitiw na kung mapatunayang si Marcos ang tunay na VP, at hindi si Robredo

-Muling ipinahayag ng Pangulo ang kagustuhan niyang bumaba sa pwesto, ito ay kung ang hahalili sa kaniya ay karapat-dapat lamang, tulad ni Senator Chiz Escudero o dating Senator Bongbong Marcos

-Ayon naman kay Presidential Spokeperson, Harry Roque, tutuparin ng Pangulo ang kaniyang binitiwang salita, kung mananalo si Bongbong sa electoral protest nito laban ka VP Robredo

-Mariing sinabi ng Presidente na hindi ang katulad ni Leni Robredo ang nararapat sa pwesto ng pagka-Pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi itinanggi ni Presidential Spokeperson, Harry Roque ang balitang maaari ng bumaba sa pwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte kung mananalo ang dating Senador Bongbong Marcos sa electoral protest na isinampa nito laban kay Vice-President Leni Robredo

.

"He thinks Senator Bongbong Marcos is one of the better qualified persons to succeed. If there are developments and he wins the protest and he becomes vice president, yes, he (Duterte) will make true his word," ayon kay Roque.

"If he wins the protest and he's declared as vice president, he’s willing to step down," dagdag pa nito.

Nang matanong naman si Roque kung gusto ba ng Pangulo na manalo ang kilalang kapanalig at kaibigan nito na si Marcos, hindi na niya ito nilinaw pa.

“That I do not know. That’s a different question,” sagot nito.

Nagsampa ng electoral protest si Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) hinggil umano sa pangdadaya ni Robredo noong nakaraang eleksyon 2016 sa pagka-bise.

Nauna ng naibalita na KAMI, na nais ni Pangulong Duterte na ang papalit sa kaniya ay katulad nila Escudero at Marcos o ng isang military junta, huwag lamang ang kaniyang successor na si VP Robredo.

Si Rodrigo Roa Duterte o mas kilala bulang ‘Digong’ o ‘Rody’ ay ang panglabing anim na presidente ng Pilipinas.

At kauna-uanahan na galling sa Mindanao. Sa edad niyang 71, siya na ang pinaka matandang naging president ng Pilipinas.

Si Digong din ang isa sa may pinakamahabang taon ng serbisyo sa pagiging Mayor ng Davao City na may 7 termino o 22 taon sa serbisyo.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte here!

“Philippines In My Feelings” Drake Dance Challenge is already on HumanMeter! The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. - on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda makes fun of Tito Sotto’s suggestion to change ‘Lupang Hinirang’ lyrics

Vice Ganda makes fun of Tito Sotto’s suggestion to change ‘Lupang Hinirang’ lyrics

Vice Ganda makes fun of Tito Sotto’s suggestion to change ‘Lupang Hinirang’ lyrics
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel