May isang munting wish ang lalaking may malubhang sakit na makita ang kanyang idol

May isang munting wish ang lalaking may malubhang sakit na makita ang kanyang idol

- Ang noo'y masipag at matulunging si Richard ay nakaratay na lang sa kama at hindi makagalaw dahilan ng isang kondisyon na hindi pa makumpira

- Aniya, ultimate idol pala niya ang nag-iisang Robinhood ng Pilinas na si Dingdong Dantes

- Hindi naman binigo ng Kapuso actor ang kanyang kahilingang makapalagayan ito ng loob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Richard ay likas na matulungin sa kanyang pamilya noon pa man, simula bata pa lang ay kumakayod na ito para sa kanyang pamilya. Sa murang edad ay sumabak na ito sa hirap ng pagiging isang construction worker.

Nalaman ng KAMI na dahil sa kanyang pagiging isang construction worker, siya ay nagkaroon ng malubhang kalagayan, kaya ngayon ay hindi na ito makalakad o makaupo man lang.

Ayon naman sa kanyang ina, tuwing Linggo raw ay inaantabayanan niya at ng anak ang programa ng ultimate idol ni Richard sa telebisyon.

Si Dingdong Dantes ang nagsisilbing inspirasyon ni Richard, ayon sa kanya.

Ang viral na kwento ni Richard ay umani ng paghanga at dagsaang pagsuporta mula sa netizens matapos itong mai-feature sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS).

Sa nasabing episode ng KMJS, ibinahagi ni Dingdong ang ilang oras nya upang makapiling si Richard, matapos itong manggaling sa ospital.

Hindi naman maitago ang tuwa at saya sa mukha ng binata nang makaharap at makasalamuha si Dingdong Dantes. Ginawan pa niya ang idolo ng isang cardboard picture collage na lalong nagpataba sa puso ng Kapuso actor.

Panoorin ang nasabing bahagi sa episode ng KMJS:

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel