Proud daddy again! Joel Cruz, ipinakita na ang kaniyang ika-pitong anak

Proud daddy again! Joel Cruz, ipinakita na ang kaniyang ika-pitong anak

-Ipinakilala na ng kilalang "Lord of scents", na si Joel Cruz ang ika-pitong anak nito mula sa surrogacy

-Si baby Zeid Cruz ay ika-pito sa mga anak ni Joel, ang mga nauna ay tatlong pares ng kambal na lahat ay mula sa iisang ina, na isang Russian

-Kilala si Joel bilang isa sa mga successful businessman sa bansa, lalo na sa larangan ng paggawa ng pabango

PAY ATTENTION: "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakilala na ng sikat na businessman at tinaguriang "Lord of scents", na si Joel Cruz, ang kaniyang ika-pitong anak sa publiko. Katulad sa kaniyang ibang supling, bunga din si baby Zeid Cruz ng surrogacy.

Bago pa kay Baby Zeid, nauna ng nagkaroon ng tatlong pares ng kambal ang nasabing businessman.

Nalaman ng KAMI, na ipinanganak ang 7th son ni Joel noong June 23, 2018 sa St. Petersburg, Russia. Diumano ay nasa Dubai si Joel ng araw na nakatanggap siya ng mensahe mula sa Russia na nagsasabing ipinanganak na ang kaniyang anak na matagal niyang hinintay.

Narito ang nasabing mensahe:

"My most sincere congratulations! You have just became father of a lovely boy! Both your son and the surrogate are OK. Please let us know the full name of your newborn son. Thank you for all your trust and confidence in our team! God bless you and your growing family!"

Si Joel Cruz ay mayroon ng pitong anak mula sa surrogacy, ito ay sila: Prince Sean at Princess Synne na ipinanganak noong September 2, 2012; Prince Harry at Prince Harvey na ipinanganak noong October 23, 2015; Charles and Charlotte, na ipinanganak noong May 24, 2017; at si Baby Zeid na ipinanganak nitong June 23, 2018.

Kilala si Joel sa larangan ng negosyo, siya ang nagmamay-ari ng Aficianado at Joel Cruz cologne.

Si Joel Cruz ay kilalang "opennly gay", at kaniyang mga anak ay bunga ng surrogacy na may iisang ina, isang Russian tall woman.

Sa iba pang balita ng KAMI, nilinaw ni Joel Cruz ang paratang sa kaniya ng negosyanteng si Kathelyn Dupaya.

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. So… What about you? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel