Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap

Makisig Morales, out muna sa acting para bigyang-daan ang isa pang pangarap

- Hindi muna makikita bilang artista si Makisig Morales dahil may bago daw itong pagkakaabalahan

- Sinabi ng aktor na mamamalagi muna siya sa Australia at kukuha ng filmmaking course

- Pangarap niya daw talaga na maging isang director

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Out na muna daw sa acting si Makisig Morales upang magbigay-daan sa isa pa niyang pangarap bukod sa pag a-artista.

Nalaman ng KAMI na mag-aaral ng filmmaking si Makisig pagkatapos ng kaniyang pagganap bilang si Dumakulem sa Bagani.

Sa pahayag ng ABS-CBN News, ibinunyag ng aktor na kukuha muna siya ng six months na course habang namamalagi sa bansang Australia kasama ang pamilya.

"Mag-aaral din po muna ako ng film siguro. Isa iyon sa dream ko talaga, ang maging director,” pahayag niya.

Ikinuwento din ni Makisig ang isa pang dahilan kung bakit gusto niyang sumubok na gumawa ng mga pelikula at commercial.

“Kukuha ako ng six months course doon para if ever na babalik ako, meron na rin akong ibang puwedeng i-offer, hindi lang yung pag-arte ko,” sabi ng aktor.

“For a while lang naman. Kasi siyempre, hindi ko rin maiiwan ito talaga, this is my passion, eh, so babalik at babalik talaga ako,” paliwanag pa niya.

Pinaghahandaan muna sa ngayon ni Makisig ang nalalapit na pagtatapos ng Bagani sa biyernes.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, inamin ng aktor ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ng kaniyang 5-year girlfriend.

Ipinanganak si Makisig noong December 22, 1996 at unang lumabas sa telebisyon bilang contestant ng Little Big Star. Napanood siya sa mga pelikulang Supahpapalicious at Petrang Kabayo.

Noong 2008, itinanghal siya bilang Most Popular Male Child Performer ng GMMSF Box-Office Entertainment Awards.

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag missing dabarkad! Netizens hinahanap si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga

Hashtag missing dabarkad! Netizens hinahanap si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga

Hashtag missing dabarkad! Netizens hinahanap si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel