Sipag at tapang! OFW at single mom, hindi nagpatalo sa matitinding pagsubok ng buhay

Sipag at tapang! OFW at single mom, hindi nagpatalo sa matitinding pagsubok ng buhay

- Ang pagiging isang ay mahirap lalo pa kung pasanin mo ang lahat ng responsibilidad sa iyong mga anak

- Dala ng pagiging single mom, minabuti ni Mary Jane Sampang na isakripisyo ang pagiging malapit sa pamilya at nangibang bansa para sa kinabukasan ng mga anak

- Nabigo man ang kanyang swerte sa unang pagkakataon, sa ikalaw at ikatlo naman ay kumampi sa kanya ang mapaglarong tadhana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang kapantay ang saya na naibibigay ng isang anak, lalo pang hindi lang isa, kundi dalawa. Ngunit kasabay ng mabigat na tungkuling nakaatang dito, ang pagiging isang mag-isang magulang ay ang magtutulak sa iba na mangibang-bansa.

Hanga ang lahat sa ipinakitang tapang at pagpupursigi ng mga OFW sa ibang bansa lalo pa sa Gitnang Silangan, kung saan ay nagsisilbi silang mga kasambahay sa mga amo nila.

Ang kwentong nakalap ng KAMI mula sa isang kababayan natin sa UAE ay isa sa mga napakaraming mga kwento ng pagsasakripisyo at pagtataya ng buhay at kaligtasan sa gitna ng matinding pangangailangang buhayin ang pamilya.

Tiniis ni Mary Jane Sampang ang maraming taon na nawalay siya sa mga anak dahil sa desisyong mangibang bansa.

Noong iwan siya ng kanyang asawa na sumama na sa ibang babae, hindi na ito ininda pa ni Mary Jane. Bagkus, ito pa ang ginawa niyang dahil upang mas pagtibayan ng loob at gumawa ng mga hakbang upang buhayin ang dalawa niyang anak na may edad 5 at 8.

Kalaunan ay dumating ang isang pagkakataon na maaring hinihintay na niya. Sinubok niya ang kanyang swerte at nag-apply bilang isang domestic helper sa Gitnang Silangan.

Noong tanong 2011, tuluyan na ngang nakaalis si Sampang, dala ang lahat ng mga pangarap na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga naiwang supling sa Pilipinas.

Noong una, kanyang inamin na nahirapan siya sa pag-aadjust sa buhay na malayo sa mga mahal sa buhay. Ngunit kalaunan ay kinaya naman daw niya ito.

"Medyo mahirap ‘yung malayo sa pamilya pero thankful na lang ako naging maayos naman ‘yung processing ko, at saka yung naging amo ko ay mabait naman." Sinabi niya nang makapanayam ang The Filipino Times.

Matapos ang isang taon, muling dumaan ang isang pagsubok sa buhay ni Mary Jane. Sa 'di inaasahang pagkakataon ay nalaman nyang may sakit pala siya. Tumubo ang isang bukol sa kanyang lalamunan, kung kaya't ininuman niya agad ito ng gamot. Gumaling man ay kinailangan pa rin niyang lisanin ang trabaho.

"Nagkaroon ako ng bukol sa leeg, tapos para siyang naging pigsa nung uminom ako ng gamot. Kinailangan ko umuwi pero naisip ko noon na, ‘Paano na naman kami mabubuhay, eh wala naman akong trabaho sa Pilipinas?" Dagdag pa nya.

At dahil hindi niya maatim na mawalan ng perang pantustos sa mga gastusin ng mga anak at tahanan, nilimot niya ang mga alalahanin at nagbakasakaling makakatagpo pa ng magandang karera sa ibang dako ng daigdig, sa Hong Kong.

Sa pagsugal niya gamit ang perang hiniram mula sa kaibigan, batid ni Mary Jane na mahirap pa rin ang kanyang kalagayan. Ngunit nagantihan naman ito ng malaking biyaya dahil nakapagtrabaho siya sa maayos na tahanan sa loob ng 5 taon sa Hong Kong.

Nagawa niyang bayaran ang mga utang at naitawid niya ang lahat ng gastusin at mga dapat tustusin ng mga anak sa pag-aaral.

At sa kasalukuyan, muling nagtungo si Mary Jane sa Middle East upang magtrabaho bilang isang domestic helper sa Sharjah, UAE.

"Ang masasabi ko lang sa mga anak ko, mag-aral lang sila nang mabuti. Bilang magulang na OFW, mahirap talagang mahiwalay sa anak. Kaya ‘yun ang sinasabi ko sa kanila na kapag nakatapos sila, makakahanap sila ng maayos na trabaho at hindi na nila kailangan mawalay sa mga anak nila. Mahal na mahal ko silang magkapatid."

Aniya, wala pa raw siyang balak na magretiro at hangga't makakaya niya ay ibibigay niya ang lahat para sa kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel