Aso ng grade 9 student, matiyagang namamalimos sa tabi ng amo niyang nag-aaral sa kalsada

Aso ng grade 9 student, matiyagang namamalimos sa tabi ng amo niyang nag-aaral sa kalsada

- Viral ang larawan ng isang binatilyo na nag-aaral sa kalye katabi ang aso niyang namamalimos

- Binahagi ng netizen na si Ian Capoquian ang larawang ng binatilyo na si Eddie Aquino at kanyang aso na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga nakakita ng post na ito

- Nilarawan ni Ian na "saddening at inspiring" ang larawan na ang tanging motibo niya kaya ito binahagi ay para matulungan si Eddie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng isang netizen na si Ian Capoquian kung saan binahagi niya ang larawanng isang binatilyo na nag-aaral kasama ang kanyang aso na namamalimos naman sa kanyang tabi.

Nalaman ng KAMI na ang binatilyo sa larawan ay ang16 na taong gulang na si Eddie Aquino. Grade 9 na si Eddie ngunit tila mailap ang kaginhawan sa kanya.

Ayon pa sa post ni Ian, hiwalay na raw ang mga magulang ni Eddie. may ibang pamilya na raw ang ina nito. Ang ama naman ni Eddie ay kasama niya at ang dalawa niyang kapatid.

Sa kasamaang palad, nanghihina na lalo ang kanyang ama dahilan para di ito makapagtrabaho. Kaya naman walang ibang magawa si Eddie para siya mismo ang dumiskarte ng mapapagkunan nila ng pera sa pang-araw araw nilang pangangailangan.

At dahil sa siya ay isang mag-aaral, di naman makakuha si Eddie ng regular na trabaho kaya naisip na lamang niyang mamalimos kasama ang kanyang aso na si 'Black Jack'.

Tinitiis ni Eddie ang lamig sa ilalim ng istasyon ng LRT kung saan siya gumagawa ng mga assignments, katabi ang aso niyang si 'Black jack'.

Maituturing na 'smart dog' si Black Jack dahil ito na mismo ang lumalapit sa mga tao at humihingi ng maiaabot na tulong sa kanila.

Wala raw ibang motibo si Ian kundi ang matulungan ang binatilyo na si Eddie at magkaroon ng maayos na silid kung saan siya makakapag-aral.

Samantala, bumaha naman ang mga positibong komento ng mga netizens na nais ding matulungan si Eddie.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"God bless you always take care.. God will provide all your needs just pray."

"KAPATID malalagpasan mo lahat yang paghihirap mo.Kapit ka lang sa Diyos.Tandaan mo hindi ka iiwan ng Diyos at hindi ka pababayaan.Sa gitna ng pagsubok lalo ka lang kumapit sa kamay at presensiya niya.May pag asa ka pa wag kang susuko kapatid."

"I can help him should he really be interested to finish a course in college"

"Nakikita ko to araw araw sa tapat nang udm since doon ako malapit nag wowork nag bibigay ako sa knya twing na dadaan ako"

"KMJS please help this boy inspite of his situation he still fighting by showing of his strong determination in life."

Binahagi na rin ng Philippine Star ang post ni Ian para na rin makarating sa kinauukulan

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel