Tricycle driver, hinangaan ng mga netizens sa pagsasauli ng naiwang laptop ng guro

Tricycle driver, hinangaan ng mga netizens sa pagsasauli ng naiwang laptop ng guro

- Naiwan ng guro na si Juliet Mendoza ang kanyang laptop sa isang tricycle noong Agosto 14

- Hinangaan ang tricycle driver na nagsauli ng laptop sa guro

- Humanga ang mga netizens sa katapatan ng driver na si Felix Manalo na naawa raw sa guro at alam niya ang pakiramdam ng mawalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakataba ng puso ang ginawa ng isang tricyle driver kung saan di nagdalawang isip na isauli ang laptop na naiwan di umano ng isang guro.

Nakilala ang tricycle driver na si Felix Manalo na nakita agad ang laptop sa tricycle at agad niya raw itong kinuha para maisauli sa may-ari bago pa ito makita ng iba.

"Ang sabi ko agad, parang nakakaawa 'yung nawalan eh. Kaya ang ginawa ko, pagkadampot ko doon sa tricycle ko, hinawakan ko na. Baka kako mawala pa rin sa akin," kwento ni Felix.

Para naman daw nabunutan ng tinik at naiyak talaga ang guro na si Juliet Mendoza nang maibalik ang laptop sa kanya.

"Sa tuwa ko po, talagang napaiyak po ako dahil parang nabunutan ako ng tinik," ani Juliet na guro sa ikalawang baitang sa Antipolo del Norte Elementary School.

Maliit na lugar man, hindi raw magkakilala si Felix at si Juliet kaya naman halos mawalan na ng pag-asa si Juliet na mapabalik pa ang laptop niya namaituturing na mahalagang gamit lalo ng ngisang guro na tulad niya.

Ayaw man pakialaman, ngunit para lamang malaman kung sino ang may-ari ng laptop ay binuksan ito ni Felix at dun niya nalaman na ito ay kay Juliet.

Sa barangay hall nagharap at nagkasaulian ng laptop na labis na ikinatuwa ng sa kabutihan na ginawa ng driver na bibihira na talaga sa panahon ngayon.

Samntala, labis na natuwa ang mga netizens sa ginawa na ito ng tricycle driver.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"God bless him!"

"Yan ang mga taong tunay na pinagpapala..."

"God bless you po...pagpalain kayo ng Ama....may nakalaan pong gantimpala sa mga taong tulad nio"

"wow kapangalan p po ng sugo,buti po me katulad pa nila me mabuti loob,saludo po ako sau kua"

"Godbless u manong. Sana lahat ganan."

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel