MMDA, tuloy ang kasong isasampa laban kay 5-minute girl kahit nag-public apology!

MMDA, tuloy ang kasong isasampa laban kay 5-minute girl kahit nag-public apology!

- Kakasuhan pa rin ng MMDA ang viral na 5-minute girl na nakipagtalo sa MMDA enforcers

- Ayon sa kay MMDA Officer Bong Nebrija, illegal parking na lang muna ang pwede nilang maireklamo sa mag-asawang piskal

- Anila, ipauubaya na nila sa kanilang legal team ang maaaring kaharapin nitong mabibigat na kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpahayag na ng kampo ng MMDA kahapon, sa kanilang ginanap na press conference, na kanilang itutuloy ang mga kasong maaaring isampa laban sa mag-aswang piskal na sina Christine Villamora Estepa.

Nalaman ng KAMI ang kagustuhan ng MMDA na kasuhan, kahapon, matapos nilang ipahayag sa malalaking pahayagan na hindi raw ito maaaring palampasin at makuha sa pamamagitan ng isang public apology.

Ayon sa kanila, kung natuloy raw na makuha ng MMDA officers ang lisensya ng DOJ prosecutor ay may apat na reklamo ang maaari nilang kaharapin simula sa illegal parking, kasunod ang violation sa color coding scheme.

Dagdag pa ni MMDA Officer Bong Nebrija, kasama rin daw ang pagiging arogante ng driver, at pang-apat ang apprehension in a short chase, o ang huli sa akto habang hinabol ang driver nang di pa ito nakalalayo.

Sa ngayon ay hindi pa raw muna sila magsasampa ng iba pang reklamo at illegal parking na lang muna ang kanilang isasampa laban sa piskal.

Panoorin ang nasabing bahagi ng media briefing ng MMDA sa ibaba:

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel