Chill lang sila! Mga driver, nag-jak-en-poy nalang imbis na magkainitan sa daan

Chill lang sila! Mga driver, nag-jak-en-poy nalang imbis na magkainitan sa daan

- Viral ngayon ang makulit ng video kung saan nag-jak-en-poy ang mga drivers kung sino ang lulusot sa daan

- Imbis na magkainitan sa kalsada mas pinili ng maglaro kaysa daanin sa pa sa kung anumang argumento

- Umabot na ng mahigit 1.5 milyon na views ang video na nagpapaita lamang na lahat ng bagay ay madadaan sa maayos na usapan o paraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng facebook user na si Procopyo Madlangtuta kung saan siya ay nakipag-jak-en-poy sa kapwa niya nagmamaneho ng sasakyan.

Nalaman ng KAMI na lulusot sana ang isang sasakyan at uunahan o sisingitan si Procopyo ngunit bago niya ito palusutin, hinamon muna nito ng 'Jak-en-poy' ang driver.

Bagaman at nanalo si David Brimbuela (tunay na pangalan ni Procopio) dahil bato ang binagsak ng kamay nito habang gunting naman ang sa driver, pinalusot pa rin niya ito.

Ayon sa caption ng post, "Dapat chill lang sa kalsada!!!" lalo na ngayon at marami nang nagaganap na insidente sa daan na minsan ay nauuwi pa sa gulo.

Gaya na lamang ng naunang naibalita na ng KAMI kung saan piscal pa ang mismong nakalabag daw sa batas trapiko kaya naman labis siyang binatikos ng mga netizen.

Kaya naman labis na natuwa ang mga netizens sa video ni David dahil sa nagpapakita ito ng positibong paraan ng pagreresolba ng mga maliliit na problema sa kalsada.

Nagpapakita lamang na madadaan naman lahat sa maayos na usapan o sa kaso nina David at kapwa driver ay minabuti nilang daanin sa 'makulit' at nakakatuwang paraan.

Narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens:

"idol! dapat lahat ng driver ganito"

"good vibes! "bato" ang binunot hindi baril, panalo parin siya kasi "gunting yung sa isa"

"Peace lang talaga! tawa pa si kuya. kulit"

"This is a good video clip to *start your day"

"Hihi, buti di umabot ng 5 mins. ang laro nila hehe. Peace! Nice one bro"

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel