Arestado ang pulis na umano'y tulak ng droga at nambugbog sa kanyang buntis na asawa!

Arestado ang pulis na umano'y tulak ng droga at nambugbog sa kanyang buntis na asawa!

- Inaresto na ng southern police ang isang kabaro na si PO1 Jeremy Amador sa isinagawa nilang buy bust operation kahapon

- Kasunod ng kanyang suspension matapos mag-AWOL mula sa Taguig city police office ay inireklamo na rin siya ng kanyang asawa ng pambubugbog sa loob ng isang taon

- Positibo sa shabu si Amador matapos isagawa ang drug test, at inilahad din ng misis na ang umano'y pagtutulak nya ang sanhi ng alitan nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado si PO1 Jeremy Amador matapos itong maaktuhan sa isinagawang buy-bust operation ng Taguig city police kahapon, araw ng Miyerkules. Ang suspek ay suspendido rin matapos na mag-AWOL sa kanyang trabaho sa southern police office.

Nalaman ng KAMI na umano'y nagtutulak ng shabu si Amador at kasabay nito ay inireklamo rin siya ng asawa niya dahil sa pambubugbog sa loob ng higit isang taon.

Ayon sa pulisya, na-recover ang mahigit P200,000 na halaga ng shabu at isang 45-caliber na baril.

Tadtad din ng pasa sa katawan ang nagreklamong asawa, na napag-alaman din na buntis pala. Kung kaya't ipinakita rin sa ulat ng ABS-CBN news ang isang pregnancy test na nagsasabing positibo ang pagdadalang-tao.

Sa ibinigay na pahayag ng babae, sinabi nito kung paano raw siya pagmalupitan ng asawang pulis. "Sinasaktan ako physically. Binubugbog ang ulo, katawan...Lagi kaming nagtatalo tungkol doon [pagtutulak] kaya isa rin sa mga rason kung bakit ako nasasaktan."

Dahil umano rito ay nagkaroon ng lakas ng loob na magsumbong sa kinauukulan ang asawa ni Amador.

Nalaman din ng mga otoridad na positibo sa shabu si Jeremy at dahil dito ay sasampahan siya ng kasong kriminal dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o "Comprehensive Dangerous Dr*gs Act of 2002," RA 10591 o "Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act," at RA 9262 o "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004."

Malakas din ang palagay ni Chief Supt. Tomas Apolinario, director ng Souther Police District (SPD) na maaaring kabilang si Amador sa isang grupo ng distributors ng shabu.

"Meron siyang pinagkukuhaan at the same time meron siyang mga tao na possibly na kaniyang street distributors."

Paiimbestigahan na rin ni PNP chief Oscar Albayalde ang batchmates ng PO1 matapos niyang ipahayag ang pagkadismaya sa mga kapulisang nasasangkot sa ilegal na gawain.

"It's very frustrating nga ano, very disappointing kung bakit nakakapasok sa aming hanay 'yung mga ganito."

Panoorin ang nasabing viral na video ng pagharap ni Amador sa kapulisan:

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jelo Medina avatar

Jelo Medina