Bela Padilla, harapang kinompronta ang showbiz editor na naka-offend sa kanya

Bela Padilla, harapang kinompronta ang showbiz editor na naka-offend sa kanya

-Hindi nagustuhan ng aktres na si Bela Padilla ang way ng pagtatanong ng isang showbiz editor sa kaniya kamakailan lamang

-Dahil dito, naging laman ito ng isa sa mga tweets ni Bela sa kaniyang twitter account

-Ayon sa dalaga, dapat ay intindihin din ang kalagayan at feelings nilang mga artista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa presscon ng Pista ng Pelikulang Pilipino, PPP 2, sinagot na ni Bela Padilla ang issue tungkol sa kaniyang kontrobersiyal na tweet sa umano’y isang showbiz editor. Harapan namang sinagot ni Bella ang issue.

Last month, sa twitter post ni aktres, ipinahayag niya ang pagkadismaya niya sa nasabing member ng press.

“I was asked a series of very rude and insensitive questions. I tried to answer the best way I could, despite being caught off guard. I’m sorry if you didn’t get the angle you wanted out of me. “ Pahayag ni Bela sa kaniyang tweet.

“Ako, I give my share, sana minsan intindihin niyo rin po ‘pag nakikita niyo na pong nasasaktan kami sa tanong or something. Medyo maging sensitive po tayo sa isa’t-isa.” Sagot pa nito ng i-open muli ng press ang issue, sa press conference muli ng PPL 2.

Tinanong naman ng showbiz editor, na isa sa nag-interview sa kaniya sa event, kung aware ba siya na kasama sa trabaho niya ang mga nangyari, magalang na sinagot ito ni Bella na hindi nila kailangang sumagot sa lahat ng tanong ng media at sinabing ito mismo ang showbiz editor na tinutukoy ni Bela sa kaniyang tweet.

Nalaman ng KAMI, na ang tanong umano ng nasabing showbiz editor at tungkol sa relasyon ni Bela at ng aktor na si Zanjoe Marudo. Nauna ng sinabi ng dalaga na ‘wag na itong magtanong ng tungkol doon ngunit nag-follow up question pa umano ito.

Kilala si Bela padilla bilang isang magaling na aktres, nauna itong sumikat sa GMA bago nagpasyang lumipat sa rival network, ABS-CBN.

Ipinanganak si Krista Elyse Hidalgo Sulivan o mas kilala sa screen name na Bela Padilla, noong May 3, 1991.

Kabilang si Bela sa sikat na showbiz clan na Padilla, ang ina nito ay pinsang buo ni Robin Padilla.

POPULAR: Read more news about Bela Padilla here!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge -on

Source: Kami.com.ph

Related news
May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel