Mag-amang Patrick at Michelle Garcia, humataw na rin na sa sikat na dance challenge

Mag-amang Patrick at Michelle Garcia, humataw na rin na sa sikat na dance challenge

-Hindi rin naiwasan ng aktor na si Patrick Garcia, ang humataw sa sikat na “In my feelings” dance challenge

-Proud na ipinakita ni Patrick ang kaniyang “the moves” sa mga followers sa kaniyang Instagram account, hindi naman pahuhuli ang kaniyang anak na si Michelle na kasama niya sa video

-Ilang netizens naman ang ‘di nakapagpigil ng kilig at napa-comment pa sa nasabing Instagram post ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Proud daddy si Patrick Garcia ng i-post niya ang video nila ng anak na si Michelle, habang humahataw sa latest dance craze na “In my feelings” ng singer na si Drake.

“Dance partner for life! Walang rehearsals to ah!! #inmyfeelingschallenge #mybellemichelle” caption ni Patrick sa kaniyang Instagram post.

Nauna ng naibalita ng KAMI, na nauna ng ipakita ni Patrick ang kaniyang pagiging awesome-dad, ng sayawin naman nila ni Michelle ang sikat na K-Pop song na Bboom Bboom.

Samantala, hindi naman napigilan ng ilang netizens ang kiligin pa rin sa veteran actor, ayon sa mga ito, wala pa ring kupas ang kagwapuhan ni Patrick.

@acmaldits: “May asawat anak nq still cnt control the kilig to the bones!!papa pat!!! Hahahaha love u porebs!! Big fan here!!!

@gorgeous_mhel21: @nyllorre_1223 omg nga! Hahaha can i take him home?

Nagpakasal si Patrick Garcia kay Nikka Martinez noong 2012.

Biniyayaan ang mag-asawa ng tatlong anak, si Michelle Celeste, Nicola Patrice at Francisca Pia.

Nagkaroon din ng anak si Patrick sa aktres at dating nobya na si Jenelyn Mercado, si Alex Jazz.

Nauna ng ibinalita ng KAMI ang pag-sagot ng asawa ni Patrick Garcia na si Nikka Garcia sa isyung isa daw siyang "bad stepmom".

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel